Chapter 35

4.7K 90 4
                                    

**

Chapter 35

"Ouch!" Kainis na mantika ito!!! Kasalanan ko bang hindi ako gaanong sanay sa mga gawaing bahay. Nako, isang linggo pa lang ako pero sukung-suko na ako. Ni paglalaba parang suicidal na. I hate it!!!

"Nakakainis kang mantika ka!" Kanina pa ako tinatalsikan nito. Feeling ko para akong warrior na pilit inililigtas yung sarili. Wala ngang Kaien, mamamatay naman ako sa mga talsik ng mantika.

Matapos ang pakikipagdigma sa mantika, inilatag ko na yung almusal ko sa mesa.

Sa loob ng ilang linggo, okay naman ang buhay ko, Masaya din ako kasi wala ng istorbo at nagpapagulo ng isip ko. Hay! Sino bang niloloko ko? Hindi naman ako masaya dahil namimiss ko lahat. Gusto ko ng bumalik sa bahay! Gusto ko makita ang naked body niy- ay baliw! Erase~ Erase~

Napabuntong hininga na lang ako.

Inubos ko ang almusal ko at umalis na papuntang university.

"Anong ginagawa mo dito?!" Si Kaien, omg si Kaien. Oo si Kaien nga, bakit ko ba inuulit-ulit pa. Lagi naman iyang ganyan. Hinihintay ako pagpapasok na pero nagcocommute lang ako at iniiwan siya.

Nakatayo siya sa gilid ng building at nakapamulsa. Ang gwapo talaga ng nilalang na ito.

"Aarte ka na naman?" masungit na tanong niya. Hm, kala niya madadaan niya ako sa ganyan.

"Ewan ko sayo." Nakaawang ang bibig niya sa sinabi ko at nilagpasan na siya.

Hinatak niya ako pabalik sa kanya. "Ilang linggo na, umaarte ka pa din. Kaoeyhan na iyan ha." kaswal na sabi niya.

"Eh ano?" saka ko hinawakan ang kamay niyang nakahawak pa din sa mga braso ko. "Saka pwede, pakibitawan ang kamay ko." at inialis ko ang nakahawak niyang kamay sa akin.

Imbis na alisin ay hinawakan niya pa ito ng mahigpit.

"Ano ba Dale!' sigaw ko.

"Nasasaktan na ako, late na din tayo sa klase." pag-iinarte ko. Kahit kelan talaga 'tong lalaking to.

"Hindi tayo aalis dito, hangga't hindi tayo okay. Pwede ba Arika, tama na iyang kaartehan mo." deretso niyang sabi.

KAARTEHAN?! Sa tingin niya kaartehan lang to? Well, tama siya.

"Fine! Bati na tayo. Tara na late na tayo. Masungit pa naman si Panot." sabi ko. Okay na 'to. Tama na ang tatlong linggong kaartehan ko dahil lang sa sinabi niya. Hay! Asan na ang pagmomove-on ko? Wala na. Siya nga talaga siguro ang taong para sa akin. Taking the risk is part of the game.

"Tara." Hinila niya ako pero hindi ko nagpatianod sa mga hila niya.

Minsan talaga kung gusto mong kalimutan ang isang tao, hindi mo magawa kung patuloy pa din ang communication niyo sa isa't-isa. Hindi man literal na nagkakausap, kung patuloy ang pagkikita niyo ay balewala pa din ang ginagawa mo.

"Saan naman tayo pupunta?" sagot ko ng may halong pagtataka kung saan niya ako dadalhin.

Ngumiti siya bago magsalita. "Sa mundong walang doubts at walang kasinungalingan." At dahil sa sinabi niya ay napatulala ako at para bang nadala ako. Kusang nagpatangay ang katawan ko sa hila niya papuntang kotse niya.

"Ako nga tigil-tigilan mo De Morcerf! Napakorny mo!" sabay hampas ko sa braso niya ng marealized ko yung kaweirduhan niya. Minsan talaga napakaweird niya at hindi talaga mahulaan ang mood niya. Hays!

Pinapasok niya ako sa kotse niya at siya naman ay sa driver's seat. Katahimikan ang bumalot ng nakapasok na kami pareho.

"Ehem!" ubo ko kunwari.

Playful HeartsWhere stories live. Discover now