Chapter 45

3.1K 63 4
                                    

**

Chapter 45

Nandito kami ngayon sa sala, nakaupo. Ewan ko ba, ang iba ng atmosphere dito. Nagbabangayan si Louise at Ema, ganun din naman kami ni Kaien.

"Bwisit ka! Napakapanget mong bata! Spoiled brat."

"What are you talking? BAKA! You look like a poop! MA.BA.HO!"

"GRR. DIE! STUPID BRAT."

"YOU FIRST UGLY POOP!"

Hindi ko na lang sila pa pinasin, sa halip ay mas nagfocus na lang ako sa kaharap ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at pilit na itinayo, "Let's go somewhere." Nagpatianod na lang ako sa paghila niya, sa kwarto niya kami napadpad.

Binitawan niya ang kamay ko at lumayo ako ng bahagya.

"Ang hirap magpigil lalo na't nasa iisang kwarto tayo." Edi wag mong pigilan! Problema ba iyon. Nakakainis ang isang ito.

Teka? Ano ba itong pinag-iisip ko?! WAAAAAAHH! Ang manyak ko. Grabe, Arika!

Niyakap niya ako ng mahigpit na siyang kinagulat ko. Bihira niya lang naman kasi ako lambingin o yakapin dahil hindi kami sweet sa isa't isa. "Sorry."

Napaiyak na lang ako at napayakap din mahigpit sa kanya. Once in a blue moon lang magsorry ang Mr. Antipatikong boyfriend ko at natutuwa ako.

Pinaghahampas ko din ang dibdib nya sa inis at tuwa, "Nakakainis ka! Nakakainis! Ni hindi ko alam kung mahal mo ba ako o ano puro na lang tayo away o anuman!"

Hinagod niya ang likod ko. "Kaya nga nagsosorry, eh." Napasandal na lang ako sa dibdib niya at pinikit ang mga mata ko. "Ema is my cousin, don't be jealous. In fact she's younger than what you think. Ganun ata paglumaki sa Japan, nagmamatured yung physical."

"Whatever," bulong ko. "You didn't answer my question. Do you love me?" Napatingala ako sa tanong ko sa kanya.

"Of course." Buo na ang desisyon ko. Ito lang ang magpapatunay na mahal niya ako at walang kahit sino ang maghihiwalay sa amin.

"Then make love to me." Hahalikan ko sana siya pero iniiwas niya ang kanyang sarili.

Nagbago ang ekspresyon niya at para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Humiwalay siya sa akin at lumayo. "Kaien..." tawag ko.

Ginulo niya lang ang buhok niya at umupo sa kama niya. Para akong batang hindi nakuha ang gusto ko. Para akong sabik sa isang bagay pero natalo at pinaasa lang.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Nagseselos ka lang!"

"Siguro nga, pero kung alam kung akin ka, hindi na ako mangangambang hayaan ka. Natatakot ako, tanga na nga siguro ako. Martyr at baliw sa'yo, Kaien. Ewan ko ba kung anong ginawa mo sa akin dahil ako man nabiglang mahal na pala kita." Paliwanag ko.

Napaluhod ako mula sa kinatatayuan ko. "Mahal mo ako pero hindi ko naman ramdam, ganyan ka ba magmahal? Masyadong brutal. One moment ayos tayo pero after that may sisingit at itatakwil mo ako. Ganyan ka ba talaga sa taong mahal mo?" dagdag ko pa. Umiiyak na ako sa sobrang frustration na nararamdaman ko.

"Pero hindi iyan ang solusyon. Mahal kita, sobra kung tingin mo ay sinasaktan lang kita. Ako na mismo ang puputol sa relasyon na 'to." halos nabigla ako sa sinabi niya. Iiwan niya ako? NO. Hindi ko kaya.

"No no! Di ko kaya. But please... This is my only request." nilapitan niya ako pero akala ko ay gagawin niya. Sa halip ay hinalikan niya lang ako sa noo. "I respect you... Damn much."

I hugged him so tight. "I love you." I quickly kiss him.

"Bad girl." I pouted. "Tara, bata! Ayos na tayo ha?" Tumango ako. Pinunasan niya ang luha sa pisnge ko.

Umupo kaming dalawa sa kama niya. "Wag mo na lang pansinin si Ema, spoiled lang talaga iyon. Sinanay kasi ng mga kamag-anak namin dahil bunso sa pamilya."

Tahimik lang ako. Hindi ko sya sinagot.

"Arika?" Binalingan ko sya ng tingin at nagsmirk. "Tahimik mo na?"

"Nagplaplano lang ako kung paano ko mapapatay ang bubwit na ipis na iyon." Binatukan nya naman ako ng pagkalakas-lakas. "Ouch." Mangiyak-ngiyak kong sabi.

"Sorry.. sorry." Lumapit sya at inihipan ang masakit na party.

Malapit kami sa isa't isa, isang dangkal na nga lang siguro ang layo naming dalawa.

"STAY AWAY FROM ME YOU UGLY POOP!" 

"Nag-aaway na naman sila." Sabi ko sa kanya.

"HAH! CRAZY BRAT, YOU SHUT UP!"

"Hayaan mo na lang, alone time natin 'to at minsan lang." Tumango ako. Pinagdikit niya ang noo niya sa noo ko. "Mahal na mahal kita, Arika. Kahit napakanagger mo."

Ngumiti ako, "Mahal na mahal na mahal na mahal din kaya kita."

"ONII-CHAN!/ARIKA!" Halos nagulat ako sa sigaw nung dalawa buti na lang at hawak hawak ni Kaien ang mga kamay ko. Pareho silang nakatayo sa pinto at hingal na hingal. Ano ba ang ginawa nila?

"Busy kami." Balewalang sagot niya.

Nagmamartsa siyang lumakad papunta sa amin. "Old hag, stay away from my brother!" Dahan-dahan akong humiwalay kay Kaien at nilapitan sya. Pinitik ko ang tenga niya. "Done, I did what you said."

Lumayo sya sa akin. Tumayo naman na si Kaien, lumapit ang isda sa kanya. "Onii-chan, did you see it? That monster hurt me."

"Let me rephrase it my dear, BEAU.TI.FUL.MONS.TER." Inemphasize ko ang salitang beautiful monster para pang-asar lang.

Kinalabit ako ni Louise, "Anyare, ateng?"

"Let me tell you later, I'll deal with this creature first."

Nag-approve sign sya, "Okay."

Tinitingnan ko lang ang drama ng bubwit.

"Onii-chan. I thought we're going to amusement park today?" Pinat ni Kaien ang ulo niya.

Tumingin sya sa akin at ngumiti, "Next time, my girlfriend is here." Napangiti lang din ako.

Kinuha niya ang phone niya at nagdial?! Sino naman ang kakausapin niya?!

Nagulat ako ng nagring ang phone ko? Bakit? Si Kaien ang tumawag.

"Hello?" Malambing kong sagot.

(Mahal kita, sobra.) Napatingin ako sa kanya. Napatingin din ako sa cellphone ko. Inend nya na din naman kasi. Ngumiti sya sa akin.

Sobrang creepy pero sobrang sweet.

"OH MY GOSH! Tumawag siya para lang sabihin sayo iyon?! Itutuloy ko pa ba ang plano kung si Ema naman pala ang magpapalabas ng sweet side niya?" Kinikilig na sabi ni Louise.

Ngumingiti-ngiti lang ako.

WAAAAAAAAAAAAAAAHH! KINIKILIG TALAGA KASI AKO. ANO BA IYAN! Ganyan ba ang mga trip niya, yung pinagsisigawan na sa harap ng iba. Lupa, lamunin mo ako! Jk. Parang cloud nine yung feeling di ko maexplain na ewan. Basta alam ko sobrang kinikilig talaga ako sa mga nangyayari, yung respetong meron siya sa akin at iba pa. Feeling ko ako na ata ang isa sa mga maswerteng babae dahil nagkaroon ako ng isang evil prince at the same time respetadong tao. I LOVE YOU SO MUCH MY EVIL PRINCE!!!

-

A/N: HAPPY NEW YEAR MATCHERS ♥ Hehe! Happy 2015, mga Arien Shippers :P

Playful HeartsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora