Chapter 30

5.5K 97 7
                                    

**

Chapter 30

Matapos ang kwentuhan ay umuwi na si Louise at Alexus, matapos ang mahabang pilitan ay sa wakas! Napauwi niya na si Alexus. Ako na lang nakaupo dito sa sala. Gumaan na din naman ang pakiramdam ko dahil nailabas ko na ang hinanakit ko kay Leigh at Kaien. Kamusta na kaya si Mommy? Hanggang ngayon kasi hindi ko pa din siya kinakausap, ni paliwanag niya hindi ko pa din pinakikinggan. Sinusubukan niyang ireach-out ako pero ako lang talaga ang nagmamatigas sa aming dalawa. Feeling ko nga inilalayo ko ang loob ko sa sarili kong ina, sa taong inalagaan ako ng labing walong taon pero ano bang magagawa ko? Nasaktan ako sa nalaman ko, bilang isang anak na walang itinuring kapatid ay magugulat at mabibigla sa mga nalaman. Sa isang iglap, viola! Nagkaroon ako ng instant kapatid.

Tumayo ako at humakbang ng isa sa hagdan ng may magsalita.

"Kayo na pala." Tanong sa akin ng lalaking nakatayo sa gilid ng hagdan. Sino pa ba? Edi si Kaien siya lang naman ang kasama ko ngayon dito dahil sila Manang ay inilipat sa mansion nila. Basically, dalawa na lang talaga kaming nakatira dito.

'Hindi' pero kailangan kong gawin para malaman ko kung ano ba yang nararamdaman mo. "Oo, pakialam mo?" masungit kong sabi sa kanya.

"May paki ako." Para bang nagkaroon ako ng pag-asa sa sinabi niya. Sana gumana nga itong ginawa ni Alexus.

"Oh? Himala." Cold na sabi ko.

Dahan-dahan itong lumapit sa akin na para bang may gagawin.

"Wag ka ngang lumapit." Sabi ko.

"Bakit si Alexus?" diretsong tanong niya. Bakit nagseselos ka ba? Magsabi ka lang ihihinto ko na ito.

"Layo! Sabi eh!" sigaw ko."

Tiningnan niya ako ng matalim. "Sagutin mo yung tanong ko."

"Bakit nga ba? First of all, he deserves me and I don't deserve you. Masyado akong mabait para sayo lang mapunta." Para bang nabigla siya sa sinabi ko.

May binulong siya sa sarili niya na hindi ko naman narinig. Ewan!

"Bulung-bulong pa. Tss." Paakyat na sana ako sa susunod na baiting ng hilain niya ako.

"ANO BA!" sigaw ko. Muntik na akong malaglag buti na lang at hawak-hawak niya pa din ako kundi na-out of balance na ako.

 "Wala." At binitawan niya na ako.

"ANG WEIRD MO KAHIT KELAN!!! KAINIS KA!" sigaw ko ng naglalakad na siya palayo sa akin.

Imbis na umakyat ako sa kwarto ko ay dinalian ko ang lakad ko para habulin siya.

"Hoy magtigil ka nga!" sigaw ko sa kanya pero hindi niya naman ako pinansin.

"Ah ganun ha! Hindi ka pa din titigil." Kausap ko sa sarili ko. Bwisit kang lalaki ka.

"Titigil ka o babatuhin kita ng suot kong tsinelas! Ano pili!!" pananakot ko pero imbis na matakot siya ay bale wala lang sa kanya.

Urrgghh!!! Ayaw mo talaga ha.

/poink!

Aha! Sa wakas humarap ka din!

"Problema mo ba?" tanong niya. At talagang tinanong niya pa kung ano ang problema ko ha? Teka ano nga ba? Bakit ko ba hinabol at binato? Arika, hinabol mo siya kasi gusto mo lang, gusto mong malaman kung ano yung iniisip niya at nararamdaman niya. Hay nako!

"Wala lang din!" sabi ko at nagwalk-out na. "Teka ito pa pala." Sabay bato ko ng isang kapares ng tsinelas ko.

"Baliw!" sigaw niya. Oo baliw na ata ako sayo. Nababaliw ka na nga talaga, huminga ka ng malalim. Hinga!

Playful HeartsМесто, где живут истории. Откройте их для себя