Chapter 1

35.1K 397 51
                                    

Chapter 1

Isang lalaki ang halos ilapit na ang mukha sa akin, tinatawag niya ang pangalan ko na para bang hahalikan ako. Ni hindi ko alam kung ito na ba ang tatapos sa bawat pagpapantasya ko sa kanya. Hindi ko alam kung magkakatotoo na ba ang pangarap kong mahalikan niya, dahil ang nasa harap ko ay ang lalaking matagal ko nang gusto.

Bago pa man nito mailapit ang kanyang mukha ay may tila biglang nagbitak-bitak ang lupang kanyang kinatatayuan. Inilamon nito ang prinsipeng nasa harapan ko at nawala. Halos naiwan akong mag-isang tulala sa mga nangyayari, hindi makapaniwala sa mga nangyari, kanina-nina lang ay harap ko siya at ngayon ay wala na.

"ARIKAAAAAAA!" Agad akong napabalikwas ng bangon sa boses na pamilyar sa akin. Ang tinig na alam kong matagal ko ng nakakasama sa apartment na tinutuluyan ko, si Louise. Nagkusot ako ng mga mata at nag-unat ng sarili upang lalong magising.

Tiningnan ko siya ng masama, "Ano bang problema mo?" walang kagana-gana kong tanong.

Ipwinesto niya ang dalawang kamay niya sa kanyang magkabilang bewang bago magsalita, "Anong problema ko? Malelate na tayo! Haler, ateng first day of semester ngayon at magpapalate ka! Aba kung magpapalate ka lang din naman pala, sana 'di na lang kita ginising." Sermon niya. Gusto ko siyang sumbatan para sa ginawa niya pero hindi ko magawa dahil kahit anong gawin ko ay nagpapasalamat pa din ako sa paggising niya.

"Salamat kung ganun." Ngumiti ako ng peke sa kanya. Hay, ang tanong? Ano kayang mangyayari kung hindi niya inistorbo ang panaginip ko? Napakamot na lang ako sa ulo ko. "Sayang, gusto ko pa naman sana malaman kung ano ang mangyayari. Kainis!" Bulong ko.

"May sinasabi ka?" tanong niya. "Huh? Wala ah. Sabi ko eto na kikilos na, mahirap na kasing malate dahil nakakahiya naman sayo kasi ginising mo pa ako." Sarkastikong sabi ko sa kanya. Tumayo na ako at inaayos ang hinigaan ko.

Lumapit siya sa bintana ko at hinawi ang kurtina nito, "Aba talagang mahiya." sagot niyang na para bang nanay na galit na galit. Halos nagkasalubong ang kilay ko sa pinakita niyang reaksyon sa akin.

"Doon ka na sa sala maghintay!" pangtataboy ko sa kanya at tinutulak-tulak palabas ng kwarto ko.

"Oo na. Hindi naman kailangang mangtaboy, ateng. Basta dalian mo na." Sagot niya naman sa akin habang binubuksan at pinipigilan ang bawat pagsara ko ng pinto.

Inihinto ko ang pasara nito, "Fine. Labas na! " sigaw ko sabay sarado at lock ng pintuan.

Nagtungo ako sa drawer ko para ihanda ang uniform na susootin ko para sa araw na ito, checkered green palda at isang puting blusa.

Hindi ko pa din lubos na maisip na kanina sa panginip ko ay naroon si Alexus, at nitong mga nakaraan linggo din ay siya rin ang laman nito. Siguro nga ay nabighani na ako sa kanya, mula ulo hanggang paa.

Pagkatapos kong maligo ay ginawa ko na din ang iba ko pang morning rituals. Nang matapos ako ay dali-dali akong lumabas ng kwarto. Naabutan ko siyang busy sa harap ng TV at pinapanood ang paborito niyang cartoon, Spongebob Squarepants.

Pinatay ko ang TV at sinita siya, "So anong trip mo ngayon? At talagang nanood ka pa?"

Binuksan niya naman ito, "Ang tagal mo kaya." Dipensa niya. Matagal pa din? Eh halos nagmadali na ako sa paliligo ko na kadalasang inaabot ng isa't kalahating oras, para sa kanya ay matagal pa din? Kahit kailan talaga napakakakaiba niyang babae.

"Hoy tara na." Pagyaya ko sa kanya, pero sa halip na tigilan ay hindi niya ako pinansin.

"Maya-maya tapusin ko lang 'to." Aba naman talaga! Kung kanina ay nagmamadali na siya dahil ayaw niyang malate, ngayon naman ay wala ng pakialam sa oras.

Playful HeartsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang