Chapter 34

4.8K 89 5
                                    

**

Chapter 34

Iniwanan ko siyang nakatulala at gulat na gulat.

"Sandali! Mag-usap tayo, para tayong tangang nagwawalk-out." Sabi niya at patuloy na hinahabol ako. Hindi naman ako humihinto.

Nakakainis! Nakakainis! Paulit-ulit kong chant sa sarili ko habang naglalakad pero ramdam na ramdam ko namang sumusunod siya.

Huminto ako at lumingon sa kanya. "Ay! Buti alam mo."

"Okay sorry na." Akala niya ata na ganun na lang lahat. Ganyan din ba siya sa naging girlfriend niya, aakusahan niya tas sorry lang!

"Okay."

Hinarap ko siya ng nakapamewang at nakataas ang kilay. Mataray na Arika muna. Walang madrama, mabait o kung ano pa mang side ko! Basta galit ako, ipapakita kong galit at inis ako sa kanya.

"Magsimula ka ng mag-explain, one by one in essay form!" nakataas kilay kong sabi. Ewan, para saan ba at sinabi ko yung essay. Mga kalokohan ko.

"Essay?" Naguguluhan niyang tanong. Kala ko ba PL ang isang 'to pero slow naman! Essay lang dami pang-arte.

Umismid ako bago magsalita. "Narinig mo naman di ba, unless na lang kung bingi ka."

Napakamot ito sa ulo niya. "Sus, sisiw!"  Ang hangin talaga, nakakainis. Kung hindi ko lang ito mahal sobrang naturn off na ako sa ugali niya.

"Edi ikaw na mayabang. PL ka eh." Bulong ko.

"Ano may sinabi ka?"

"WALA! Magsimula ka na." Sabi ko at nakataas pa din ang kilay.

"Wala ka pa ngang tinatanong?" Aba, pilosopohin daw ba ako. Alam kong wala akong tanong pero dapat alam niya ang kasalanan niya.

"Bakit kailangan bang magtanong pa ako bago ka magpaliwanag dyan?" So kailangan pang isa-isahin? Bwisit talaga ang isang ito. Akala mo naman! Ay ewan!

"Oo na, oo na!"

"Dalian mo nga, nagmamadali ako." Napagdesisyonan ko kasing ngayon na lang lumipat baka kung ano magawa ko sa isang ito.

"Saan ka ba pupunta?" Oo nga pala hindi ko pa nasasabi sa kanya. Hah! Bye bahay, hello condo.

"Wala ka na dun, mag-eexplain ka ba o mag-eexplain? Sagot agad!"

"Eto na, eto na. Sorry na kasi nabigla lang naman ako eh. Malay ko bang dadamdamin mo pala iyon. Malay ko din bang sensitive ka, sa arte mong iyan may ganun ka palang side. Kasi sabi mo kayo ni Uncle tapos biglang kasama mo na yung isa pang asungot na si Hiro o Shiro, basta yung kambal dyan sa kabilang block. Nakakabwisit kaya, siguro selos 'to. Hindi nga ako sigurado eh! Basta alam ko naiinis ako!" Selos, selos mukha ng isang ito pero inamin niya na mismo sa akin na nagseselos siya? Magdidiwang na ba ako? Kinikilig ako pero no pigilan mo. Galit ka, galit ka sa isang iyan.

"So ano gusto mo maging reaksyon ko sa sinabi mo?!  Gago ka ba o talagang bobo ka lang? Sa tingin mo matutuwa ako sa sinabi mong malandi ako? Wh0re? Engot ka palang leche ka eh! Tapos sasabihin mo sinabi mo lang iyon dahil nagseselos ka? Ibang klase ka naman palang magselos Mr. De Morcerf." Sarcastic kong sabi at akmang aalis.

Hinigit niya ang braso ko. "Sandali nga, nagpapaliwanag pa ako eh. Hindi ka naman atat umalis?"

"Actually, atat na atat na nga ako eh, nahahighblood lang ako sa mga sinasabi mo puro naman walang kwenta. Alam mo iyon? Gusto kong ibato sa iyo yung mga upuan o table dito sa bahay sa sobrang inis at kilig." Hininaan ko talaga ang huling sinabi ko. Hindi naman niya narinig eh.

Playful HeartsOnde histórias criam vida. Descubra agora