Chapter 14

8.8K 139 12
                                    

✓ Arika will be Arika, Kaien will be Kaien and you will always be you... I won't treat you as my reader kundi kaibigan.

**

Chapter 14

Hindi ko makalimutan ang mga narinig ko. May karelasyon si Kaien? Sino naman ang nagkamaling magkagusto sa kanya? Nilason na ata ang isipan ng babaeng iyon.

Nararamdaman ko na ang malamig na simoy ng hangin. Madami na din ang nag-aayos ng mga dekorasyon dito sa village na tinitirahan namin. Nakaadjust na din naman ako sa pagsasama namin kaya medyo kumportable na ako.

Nagdeclare ng sembreak sa pagtungtong ng month na ito, para naman daw maenjoy namin ang okasyon kasama ang pamilya namin sa kasamaang palad mukhang si Kaien lang ang makakasama ko ngayong pasko. Lumabas ako sa kwarto ko at nakita ko si Bakulaw na pakamot-kamot ng kanyang ulo. Gaya ng nakagawian ay walang pansinang na naganap kung magpapansinan man ay mag-aasaran lang o maninira ng araw.

Nang makababa na kami pareho ay nagkasabay na kaming pumunta sa dining area para kumain ng. Kumuha ako ng hotdog, ham at bacon dahil sa araw-araw na ginawa ng Diyos 'yun lang ang nagpapaligaya sa akin twing almusal at napapadami ako ng kain. Ganun din naman ang kinuha ng mga ito.

"Psh! Gaya-gaya." sabi ko habang ngumuso at nagpalabas ng hangin.

"Asa ka." sagot naman din agad niya.

Napasarap kami ng kain kaya ang kinalabasan ay...

"HOY AKIN 'YANG LAST BACON!!" sigaw ko.

"Ako na una, kita mong ako ang nakatusok." sagot niya.

"ASA KA! AMIN NA."

"Ayoko. Manigas ka."

"SABI NG AMIN NA, EH!" pagpupumilit ko.

Agad akong napalingon sa tunog na nanggaling sa labas ng bahay, pag baling ko ulit sa kanya ay nguya-nguya na niya ang bacon ko. Oo, ko kasi akin 'yun dahil ako ang nauna.

"HOYYYYYY!" sigaw ko.

"Hmm." sagot niya.

"BWISIT KA!!!!" dabog ko. 'Yung bacon ko. Wala na, siya ang kumain kinain na siya ng halimaw.  

Pati bacon hindi pinatawad na ibigay sa akin, ni hindi man lang naging gentleman kahit 'yun lang. Sana pinaubaya niya na lang sa akin. Nakakainis talaga! Kala mo hari kung umasta.

Padabog akong bumalik sa kwarto ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa din ako makaget-over sa bacon na iyon. Sa ngayon , magbubukas na lang ako ng mga sosyal networking sites ko tutal wala naman akong magawa dito. Kinuha ko ang laptop ko na nasa table at inilapag sa kama. Dumapa na din ako at inistart. Good thing! Mga ilang minuto pa ang lumipas ay okay na. I immediately type the site, twitter, facebook at tumblr.

Pagkabukas ko ng facebook ko ay tumambad sa notif ko ang mga salitang...

Alexus Martin Santos accepted your friend request.

Halos mangisay ako sa kakagulong sa kama ko.

"Arika! This is it." Sabi ko sa sarili ko. Clinick ko agad ang name niya at nagtungo sa account niya. Nagspazz ako sa wall niya, ang daming nakapost sa wall halos babae.

"Hi Alexus."

"Fafa A, ang pogi mo talaga."

"Pakilala mo naman ako sa pamangkin mo 'Lex." at kung anu-ano pa.

Scroll lang ako ng scroll sa chatbox at isang pangalan ang pumukaw sa mata ko. OHEMJIIII!!! Online siya. Ichachat ko ba?! Ano Arika, may lakas ka ba ng loob na ichat sya? Ayos naman na sigurong nakakausap mo siya ng personal, 'di ba? Bahala na. Clinick ko 'yung name niya at nagpop-out ang chatbox nito.

Playful HeartsМесто, где живут истории. Откройте их для себя