Chapter 7

10.9K 186 11
                                    

✓ Nakakatuwa dahil kahit pailan-ilan lang ang nagbabasa atleast may nagbabasa.

**

Chapter 7

Lahat ng inipon kong inis kahapon ay ibinuhos ko kay Louise, pagising niya sa akin. Pinagbabato ko siya ng mga kung anong mahawakan ko.

"Stop! Stop! Masakit na!"

"Ayokong makasama 'yung bwisit na 'yun and to think na baka rape-in niya ako. Ayoko magkaanak ng wala sa oras nang hindi si Alexus ang ama. Wala akong tiwala sa pagmumukha niya." sunud-sunod na reklamo ko sa kanya.

"Ano bang sinasabi mo diyan?"

"Hah? Wala, wala." Wala nga pa pala siyang alam sa mga nangyayari sa buhay ko!

Nakakabwisit naman kasi. Isama mo pa 'tong mga sulsol ng mga magulang namin at ang hindi niya pagrereklamo sa mga nangyayari. Kakaimbyerna!

Sumasakit lang ang ulo ko kakaisip.

"Ateng, ano pala. Babalik pala muna ako sa bahay bukas." sabi niya.

"Bakit daw? Dumating na ba ang parents mo?"

"Yup! And they have a gift for me." She giggle.

"Ah, okay."

Nagkwentuhan lang kami ni Louise tungkol sa kung anu-ano habang nanonood ng TV. I miss my bestfriend napakabusy niya kasi this past few days kakaaral dahil malapit na ang prelims nila, gayun din naman ako dahil sa mga biglaang nangyayari sa buhay ko. Ganito ata talaga pagcollege na at iba pa ang kurso niyo, pareho kayong nawawalan nang time sa isa't-isa at kailangan niyong tanggapin na lang ang katotohanan na kahit nasa iisang campus kayo ay malayong magkita kayo.

"Ateng, kuha lang ako ng junk foods. Nagugutom ako na ako, eh." sabi nito.

Yung thoughts ko being a  college student is way different na hindi kagaya noong high school days namin. Ang dating eight hours naming pagsasama ay umaabot na lang ng fours hours or less.

Pinagmamasdan ko siya habang papunta sa kitchen. Si Louise 'yung tipon ng tao na madaldal at handang makinig sa mga problema mo pero minsan ay may kakitiran ang utak at ipupush pa din ang mga gusto. May pagkaspoiled brat din dahil siya ang pangay sa kanilang magkakapatid.

"Hoy! Ateng?" She snapped her fingers in front of me.

"Oh?"

Nasa harap ko na pala siya at hindi ko man lang napansin pa, may hawak-hawak siya potatoes, piknik at mga chocolates. Halos lahat ay paborito namin.

Tumunog ang bell at nilapag niya ang mga bitbit niya, "Ateng, may tao?" sabi niya at akmang pupuntahan ang pinto pero pinigilan ko siya.

"Sandali, let it be." Nagpaulit-ulit na tumunog ang doorbell habang ako naman ay dahan-dahang naglalakad patungo sa pinto. Sino naman kaya ang bwisit na iyon? Walang magawa sa buhay. "Maybe some jerks lang na malakas mangtrip." Sabi ko pa pero naglalakad pa din.

"Tara na bes. Ang sakit sa ulo ng doorbell, eh." Higit na niya ako dahil pagkairita sa paulit-ulit na doorbell.

"Ikaw na lang kaya ang magbukas?"

"Ikaw na kaya! Baka may bitbit na patpat 'yan at hampasin ako!" Reklamo niya.

"Ikaw na! Ikaw nakaisip na lapitan, eh!"

"No way, Arika ikaw na!"

"Bahala ka sa buhay mo!" Sa inis ko at iniwan ko na lang siya at bumalik sa harap ng TV.

"Sabi ko nga ako na, eh!" Sigaw niya. Napangiti naman ako. "Kainis!"

Patakbo siyang lumapit balalik sa akin, "Oh sino daw iyon?"

Playful HeartsWhere stories live. Discover now