Chapter 12

9.7K 143 17
                                    

✓ Thank you for sticking with me and reading this.

**

Chapter 12

"A-Alexus." pagbati ko. Bakit ganito 'tong nararamdaman ko. Alam kong gusto ko siya pero iba pa din talaga pag nasa harap ko na siya. Lagi na lang ganito kung hindi ako matatame, eh mapapahiya ako sa harap niya at maiistatwa.

Hindi na nahintay ni Louise ang huling hakbang ko kaya naman ay bago pa ako makababa ay bineso niya na ako.

"Malusaw 'yan." bulong niya.

"Malusaw agad? Ang pogi niya talaga." bulong ko pabalik.

"Alam ko."

Habang naglalakad ay nag-uusap kami. "Bakit kasama mo?"

"Nakita ko lang 'yan, kaya niyaya ko na din."

"Tunay na kaibigan." Sabay hampas ko sa balikat niya.

"Thank you, ha!" Sarkastikong sabi niya.

"Hi Arika." Nakangiting wika niya sa akin bago pa man ako makaupo.

Panginoon, bakit po ang gwapo ng lalaking nasa harapan ko? Noong umulan po ba ng kagwapuhan ay sinalo niya ng lahat?

"H-Hi." pag-uutal kong tugon. "Bakit ka nandito?" dugtong ko pa.

"Hm. Wala naman. Binibisita ko lang kayo, hinila din kasi ako nung isa dyan." Nguso niya kay Louise na ngayon ay busy sa kakatingin ng mga pictures sa mesa. May sariling mundo at nagmomonologue mag-isa, naglalaway na ata sa mga nakikita niya.

"Sweet naman." bulong kong sabi.

"Hah? May sinasabi ka ba?"

"Eh? Wala, ah!" Nahihiya ako sa kanya. Lalo na't pamangkin niya pala ang bakulaw na mapapangasawa ko at kinaiinisan ko. Hindi pa din talaga ako sanay na paggising ko sa umaga, eh may kasama ako sa bahay at lalaki pa. Yung dating tahimik at maayos kong buhay ay naging malarollercoaster na ang nangyari para bang sinasadya ng tadhana na pagdaanan ko lahat, naging magkakarugtong pa ang mga tao sa paligid.

"Ateng, 'dii mo man lang ba kami aalukin ng makakain? You knoowww?" reklamo naman ni Louise habang nakatingin sa album.

"Ay, shocks! Sorry, teka." Pumunta ako ng kitchen para sabihan si Manang na maghanda ng miryenda.

Nagkwentuhan lang kami ng mga bagay-bagay. Minsan pa ay nagiging out of the blue ang topic dahil sa mga sinasabi ni Louise. Hindi ko naman magets ang sinasabi niya, napapansin ko ding pinagtataasan siya ng kilay at pinaglalakihan siya ng mata ni Alexus.

Ilang minuto pa ay dumating na ang miryendang hingi ko kay Manang.

"Salamat po."

"Hala? Turon! Omg! Bes, my favorite." sigaw niya. Ay nako! Turon at orange juice ang inihanda ni Manang para sa amin. Favorite na favorite namin ito ni Louise noong nasa high school pa langkami. Haha! Too many memories...

Tahimik na naglalaro si Alexus sa cellphone niya habang nakasalpak ang earphones niya. Maya-maya pa ay tumunog ito at agad din naman niyang sinagot.

"Bumab- Ano?... Umayos k- Teka?... Basta bumaba ka andito ako." Sino kayang kausap nun? I think I know who he is...

"Alex, ito oh." alok ko.

"Busog pa ako Rika, eh. Ayon na lang pakainin mo, oh halatang gutom na gutom, eh." Turo niya kay Louise na busy'ng busy sa pagkain. Nabaling ang tingin ni Louise samin at nagsalita ng 'gusto niyo?' ngunit walang boses na lumabas dahil sa kapunuan ng laman ng kanyang bibig.

Playful HeartsWhere stories live. Discover now