Chapter 9

9.6K 142 21
                                    

✓ Madami ng ganitong mga story pero still sisiguraduhin kong hindi siya ganun kacliche.

**

Chapter 9

Siguro nga'y masasanay din ako sa mga nangyayari kaya't hindi ko namamamalayan na halos isang linggo na noong lumipat kami at magsama. Sa totoo lang, ayos naman siyang kasama ay mga araw lang talagang hindi ka niya titigilan at bwibwisit 'pag natripan niya. Sa twing inaasar niya ako, gustung-gusto kong ibato lahat ng nasa paligid ko dahil na din sa inis ko sa kanya. Hindi love ang mabubuo dito puro hate! Hate relationship ang meron sa'min. Ngunit, parang may kung ano din akong nararamdaman, tama pa ba 'to o parang may mali talaga? Napapangiti ako sa twing sinisira niya ang araw ko at hindi nakukumpleto.

"HOY PAYATOT! LUMABAS KA NA DYAN!" Kita mo! Ganyan siya t'wing umaga. Sisigawan ako na para bang ang layo ng kwarto niya sa kwarto ko. Walang araw na hindi ganyan ang ginagawa niya. Minsan mabait, kadalasan demonyo naman! "DALIAN MO O IIWAN KITA." Dagdag pa niya sa akin.

Binato ko ng sapatos ko 'yung pinto, "SANDALI!! BWISIT KA! NAG-AAYOS PA NGA AKO." sigaw ko pabalik.

Ganito na ang routine dito sa bahay. Sigawan at kung anu-ano pa. Minsan naman nagkakasundo kami sa isang bagay pero 'yun din naman yung pag-uugatan ng away, natatawa na nga lang ang mga kasama namin sa bahay dahil para daw kaming aso't pusa.

Nasanay na din naman na ako sa kamalasang nangyari sa akin, kung pwede nga lang na umayaw ay matagal ko ng ginawa. Pwede bang lagyan na lang ako ng name tag na may nakasulat na 'Reyna ng Kamalasan ng Pamilyang delos Reyes'. Lahat ba naman ng ayoko ay ibinigay na sa akin. Ultimo pag-aasawa ng maaga ay wala sa line-up ng buhay ko pero wala na akong magagawa, nandito na ito.

Nang matapos akong mag-ayos ay lumabas ako agad. Isang malutong na kutos ang nakuha ko sa kanya. Kahit kelan wala siyang respeto sa akin! Tuwang-tuwa siya sa mga ginagawa niya. Ganyan ba ang gusto ni Mommy para sa unica hija niya? Ang kutus-kutusan lang ng mapapangasawa?

Napahawak ako sa parteng binatukan niya. "ANO BANG PROBLEMA MO?!" singhal ko. Nagporma ng ngiti ang labi niya bago magsalita.

Ang creepy.

"Wala lang trip ko lang na batukan ka." URRGGGHH! I can't believe this! I'm living with the most annoying and moody creature in the whole world. "Ang tagal mo din."

"Natural nag-ayos pa ako alangan naman lumabas ako ng sabog ang buhok ko, mag-isip ka nga kahit minsan."

"Don't care. Bumaba ka na." tapos umalis na siya. "WHATEVER!" sigaw ko habang bumababa siya. Pumasok ulit ako sa kwarto ko at kinuha ang mga gamit ko.

Nang makarating ako sa sala ay naabutan ko na siyang kumakain.

"Sarap ng pagkain." pagpaparinig niya habang sumusubo ng bacon.

Umirap ako at hindi ko na lang siya pinansin, umupo ako sa harap ng inuupuan niya. Sinusundan niya ng tingin ang bawat galaw ko.

"Oo, ang sarap. Sheda! Napakasarap." sarcastikong sagot sa kanya.

Ni wala man lang pagkain na nakalagay sa mesa! Anong tingin niya sa akin?! Nakakabwisit talaga ang lalaking ito.

"Mananggggg!" sigaw ko. Agad namang dumating si Manang.

"Bakit po, mam?" magalang na sabi niya. Isa rin itong si manang, hinahayaang sundin ang mga inuutos ng demonyo niyang amo!

"Bakit po wala akong pagkain?" tanong ko.

"Huh? Ang dami po ng hinanda ko kanina." Grrr. Now I know, who did. Ghad! Living hell in this house. Tumayo ako at akmang aalis ng magsalita 'yung malas ko.

Playful HeartsDove le storie prendono vita. Scoprilo ora