Chapter 1: Spell

350K 7.7K 1.4K
                                    

□◇◇♡◇◇□

SPELL

□◇◇♡◇◇□


“Ma, where are we going? panimulang tanong ko nang mapansin na kakaunti na lang ang mga gamit namin sa bahay.


Lilipat na tayo sa bagong bahay na binili ko.” Sinundan ko siya nang lumabas siya ng bahay bitbit ang isang kahon. Nilagay niya iyon sa loob ng kotse. Napansin ko na marami-rami na rin ang mga naimpake niyang gamit.

Ano po? Bakit biglaan? May problema po ba rito sa bahay? Sayang naman, Ma...

I’ve decided, Sendy. Lilipat tayo ngayon whether you like it or not.” Hinalikan niya ang noo ko pagkatapos ay bumalik na siya sa loob ng bahay.

Naiwan ako rito sa labas. Ngumuso ako at pinagmasdan ang bahay namin. Ayos lang naman na lumipat kami. And besides, I don’t have friends here. Kaya wala akong maiiwanang tao kung umalis man kami.

Sendy, ligpitin mo na ang mga gamit mo. Aalis na rin tayo n’yan.”

Pumasok na ako sa loob ng bahay at sinimulang iligpit ang mga gamit ko.

□◇◇♡◇◇□


Ma, malayo pa po ba ang bagong bahay na lilipatan natin?” tanong ko habang nakatingin sa dinadaanan namin. Siguro isang oras na kaming nasa biyahe. Malayo-layo na rin ang narating namin. Kaya lang eh, masakit na likod at nangangalay na ako sa kakaupo.

We’re almost there. Magpahinga ka na muna, Sendy. I nodded and smiled. Pinagmasdan ko na lang ang mga punong nadaraanan namin. Ang payapa nilang tingnan. Ano kaya ang pakiramdam na maging puno?

Pagkalaan ng ilang oras ay huminto na kami sa harap ng isang malaking bahay. Lumabas ako sa kotse at pinagmasdan ang bagong bahay na titirhan namin.

Masasabi ko na mas maganda at malaki ito kumpara sa dating bahay namin. Napansin ko rin na malayo ang pagitan ng mga bahay dito.

Magkakaroon ka ng maraming kaibigan dito, Sendy. Napatingin ako kay Mama na nakangiti sa akin.

I smiled slightly. Sana nga po.

“Hello po!

Napatingin kami ni Mama sa babaeng bigla na lang sumulpot sa likod namin. Mukhang kasing edad ko lang siya. Namilog ang mga mata ko habang pinagmamasdan siya. She has a long wavy golden brown hair. That’s cool! She’s tall compared to me. Porselana ang kutis, matangos ang ilong nito, nakaka-akit ang ganda at mukhang mabait siya.

Oh, malapit lang ba rito tinitirhan mo, hija? tanong ni Mama sa babae. Nakangiti naman itong tumango.

Doon lang po ’yong bahay namin!” Tinuro niya kung saan ’yon kaya napatingin kami roon. Bagong lipat lang po ba kayo rito?

Oo, pwede mo ba kaming tulungan sa paglilipat ng mga gamit namin? If it is okay with you, hija. Nakakahiya si Mama! Hindi nga namin kilala ang babaeng ’yan.

Sure po! Pero tatawagin ko po muna ’yong mga kaibigan ko para matulungan din kayo.

Pinanood namin siyang tumakbo paalis. Humarap ako kay Mama.

Crewd Academy: Malediction of Prophecy (PUBLISHED)Where stories live. Discover now