Chapter 59: Bloody War Part 3

74.8K 2.5K 304
                                    

□◇◇♡◇◇□

BLOODY WAR

PART 3

□◇◇♡◇◇□



Hinawakan ni Chaos nang mahigpit ang mukha ni Selendria habang ipinapakita sa kaniya ang nangyayaring labanan sa itim na shadow na nasa harap nila. Nakikita lahat doon ang mga labanang nagaganap.

"Tingnan mo..." Tumawa nang mala-demonyo si Chaos. "Nang dahil sa 'yo, maraming namatay."

May lumandas na luha sa mga mata ni Sendy. Bukod sa napakahigpit ng mga kadenang nakatali sa mga paa at kamay niya ay nasaksihan niya kung paano namatay at naghirap ang mga taong mahal niya. Pati na ang guardian niya na si Infires Men ay nakakulong dahil nagwala ito nang sinubukang kunin ni Chaos ang kapangyarihan ni Sendy sa pamamagitan ng orasyon ngunit hindi siya nagtagumpay.

"Tumigil ka na... Pwede pa namang maibalik ang lahat-"

Isang malutong na sampal ang natanggap niya mula kay Chaos. Muli na naman siya nitong hinawakan nang mahigpit sa mukha. "Nang dahil sa mga magulang mo, nabago ang kapalaran ko! Nang dahil sa sakim mong Ama, napalayas ako sa Luminous Nieves Kingdom na pagmamay-ari ko!"

Napayuko si Sendy dahil hindi niya maitatangging totoo ang mga sinasabi ni Chaos. Ngunit napalingon siya kay Chaos nang tumahimik ito. Kita niya ang lungkot sa mga mata ni Chaos ngunit agad na napalitan ng poot at galit iyon.

"I will make sure they will suffer in my hands! Lalo na ang mga magulang mo!" sigaw nito at iniwan na si Sendy.

"Sendy! Wala pa rin malay si Infires Men!" Bigla naman lumitaw si Faye na kanina pa naka-invisible mode.

Napaiyak na lang si Sendy. "Hindi ko na alam ang gagawin, Faye. Ang dami nang nasaktan at namatay dahil sa akin! Natatakot na ako!"

Tiningnan naman siya ni Faye nang mata sa mata. "Sendy, hindi ngayon ang oras para panghinaan ka ng loob! Nagbuwis sila ng buhay hindi lang para ligtas ka kung hindi para na rin manaig ang kabutihan! Kung ikaw mismo ay susuko, masasayang ang mga nagbuwis ng buhay! Nanggaling ka sa kapangyarihan ng Empress Dragon, Sendy."

***

Nagkasama-sama na sina Dara, Val, at Winzé kasama sina Drage at Vendell. Wala pa rin malay si Kliffer dahil sa tindi nang pagkakahampas sa kaniya sa pader kaya iniwan muna siya sa mga healer. Rinig pa rin sa labas ang mga kalabog at dagundong ng mga monster.

"Ang dilim dito at ang daming sapot!" reklamo ni Dara habang naglalakad sila sa madilim na pasilyo. Tanging ang mga maliit na ilaw sa paligid ang nagbibigay ilaw sa daanan nila.

"Paniguradong may kakaibang creature na bubulaga-"

Hindi nga nagkamali si Val dahil sa dulo ng pasilyo ay may nag-aabang sa kanila.

"Oh sh*t! Ang laking gagamba niyan!" gulat na sigaw ni Drage. Mas malinaw niyang nakikita ito dahil may night vision siya.

"It looks like funnel-web spider. Be careful. Nakakamatay 'yan," paalala ni Vendell.

"Mas nakakamatay kapangitan mo-aray! Ba't mo ako binatukan?!"

"Umayos ka kasi!" bulyaw sa kaniya ni Dara at umambang babatukan niya ulit si Drage nang magsimula nang maglakad ang malaking gagamba papunta sa kanila.

Napaatras ang mga babae habang si Vendell ay isinara ang mga kamao. Napalunok naman si Drage. Takot kasi siya sa gagamba.

Nang papalapit na ito ay tumalon ito at nang malapit nang mag-landing sa harap ni Vendell ay mabilis niyang sinutok ito nang malakas kaya tumilapon ito at tumama sa pader.

Crewd Academy: Malediction of Prophecy (PUBLISHED)Where stories live. Discover now