Chapter 36: Praegrandis Daemon

89K 3.3K 222
                                    

□◇◇♡◇◇□

PRAEGRANDIS DAEMON

□◇◇♡◇◇□

Hindi ko alam kung saan ako titingin dahil sa dami ng mga nagtitinda ng kakaibang bagay. May mga nagtitinda ng kakaibang pagkain, mga broom stick, mga kakaibang hayop o insect.

Napatingin ako sa mga bata na pinagkukumpulan ang isang Exotic Delight Shop na kung saan puro mga candy ang nakahilera. Kakaibang candy dahil makukulay ang mga ito at mukhang masarap. Napapakamot na lang ang mga magulang dahil hindi nila mapigilan ang mga anak nila sa pagbili ng mga candy. Naalala ko si Faye, baka magustuhan niya 'yan kung nandito lang siya.

"Ano pa'ng hinihintay niyo? Makita ang gwapong mukha ko?" nakangiting sambit ni Kairo at nagpacute pa.

Nandito na rin pala sila. Iginala ko ang paningin ko sa ibang direksyon para hindi ko sila makita.

"Eww.. Hindi bagay! Bakla ka eh," pang-aasar ni Airyn kaya natawa kami. Sinamaan siya ng tingin ni Kairo.

"Teka? Nasaan na 'yong mga witch?" biglang tanong ni Dara at palinga-linga sa paligid na parang may hinahanap.

"Sinong mga witch?" takang tanong ni Jhane.

"Edi si Thony at Altrina!" sagot ni Val.

Nagpalinga-linga rin kami ngunit totoo nga. Wala nga sila maging si Lei.

"Hayaan niyo sila," sambit ni Vendell na parang walang pakialam.

"Oo nga, may sariling mundo mga 'yon!" tatawa-tawang sambit ni Drage.

Hindi namin napansin na nauna na pa lang naglakad si Charlie na parang walang tao sa paligid niya. Nakasunod na rin sa kaniya si Kairo at Jater. Maging si Neithan ay nauna na rin ngunit patingin-tingin naman siya sa mga shop.

"Broken," biglang sambit ni Kliffer kaya napatingin kami sa kaniya. Nakatingin ito sa direksyon ni Neithan.

"Sinong broken?" takang tanong ni Zyrelle at nakakunot ang noo nito.

Nagkibit-balikat lang si Kliffer at sumunod na kay Neithan. Sumunod na rin sa kaniya sina Vendell at Drage na tatawa-tawa lang. Mga baliw.

"Ang weird naman n'on," sambit ko at naglakad na rin.

Natawa naman si Airyn. "Yeah, minsan na nga lang magsalita, hindi pa maintindihan."

"Suplado pa." Napatigil kami sa paglalakad at napatingin kay Winzé. Napatigil din siya sa paglalakad at mukhang nagulat din siya sa sinabi niya.

"Yieeee! Suplado pala, ah?" panunukso ni Dara kay Winzé. Umirap naman si Winzé at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

Natawa na lang kami sa naging reaksiyon niya. May something kaya sa kanilang dalawa? Hmm..

Patingin-tingin lang kami sa mga shops habang naglalakad.

"Sabihin niyo lang kung may gusto kayo diyan," nakangiting sambit ni Airyn. Nasa kaniya kase 'yong pera na binigay ni Prof Rigo. Tumango naman kami. So far, wala pa akong gustong bilhin.

Crewd Academy: Malediction of Prophecy (PUBLISHED)Where stories live. Discover now