Chapter 29: Accidental Mission

93.4K 3.2K 377
                                    

□◇◇♡◇◇□

ACCIDENTAL MISSION

□◇◇♡◇◇□


Litong-lito na ako sa mga nalalaman ko. Nakahiga ako sa kama ko habang nakatingin sa puting kisame. Nakapatay na ang ilaw at ang lampshade na lang ang nagsisilbing ilaw sa buong kuwarto. Natutulog na rin si Faye sa kabilang banda kung saan may upuan.

Ginulo ko ang buhok ko. Mababaliw na ako! Paano kaya nangyari 'yon? Nagkataon lang ba o talagang sila 'yon?

"Sila 'yong nasa panaginip ko.." mahinang sambit ko.

Ang sabi sa libro ay 9 years old si Sorceress Anerva, 11 years old si Prince Chaos at 12 years old naman si Prince Daryll nang maisip nila ang pangalan ng school at ipatayo ito. Year 1969 nang ipatayo ang school na ito ayon sa libro.

Posible kayang si Mama ay si Sorceress Anerva Eshivel? Pero ang surname ni Mama ay Alstrein na siyang ginagamit ko ngayon! Pero Sorceress si Mama kaya may chance na siya 'yon! Tapos si Prince Daryll! Sigurado ako na ang pangalan na 'yan ay nasa panaginip ko noon! Kasama sina Prince Gulo at Eve—

"Teka?" Napaupo ako bigla at napaisip ako.

Kung iisipin mo nang maayos, ang meaning ng chaos ay gulo? Shit! 'Yon kaya 'yon?! Sila kaya 'yong nasa panaginip ko noon? Eh, sino naman si Eve?

Tumayo ako at hindi mapakali sa mga naiisip. Hindi kaya si Sorceress Anerva Eshivel ay si Eve?! Pero parang ang layo naman ng Eve sa mismong pangalan!

"Hay! Sumasakit ang ulo ko!"

Napatakip ako ng bibig nang biglang gumalaw si Faye. Buti na lang ay hindi siya tuluyang nagising.

Napagpasiyahan kong lumabas sa kuwarto at pumunta sa kusina. Makainom nga muna ng tubig. Habang umiinom ako ng tubig ay hindi pa rin matanggal sa isip ako si Eve. Malakas kasi ang kutob ko na siya si Sorceress Anerva Eshivel. At malakas ang kutob na siya si Mama!

Naisip ko si Mama. Anong year ba siya pinanganak? Shit! 'Yon ang hindi ko alam! Bakit ba hindi ko alam 'yon?! Kung 1969 ipinatayo ang school na ito at 9 years old noon si Sorceress Anerva, ibig sabihin ay 1960 siya ipinanganak? Kung 1960 siya ipinanganak at 2015 ngayon, ilan taon na siya?

Kinalkula ko sa utak ko. "55 na siya."

Napabuntong hininga ako. Mali ako dahil 51 pa lang si Mama. Pero sino kaya 'yon at bakit kapangalan ni Mama? At totoo rin kaya na nageexist 'yong mga pangalan na nasa panaginip ko? Kung ganoon, sino sila? At kung bakit ipinakita iyon ng libro sa akin?

Napapitlag ako nang may biglang nahagip ang gilid ng kaliwang mata ko. Parang may dumaan.

"Hala! Wala namang multo siguro rito?!"

Sinundan ko kung saan ko 'yon nakita at napansin na bukas 'yong pintuan. May lumabas ba? Tumingin ako sa taas kung saan ang mga nakahilerang kuwarto at sinuri kung may bukas bang pinto sa mga kuwarto. May nakabukas na isa. Kay Winzé 'yon.

"Winzé!" tawag ko. Walang sumagot. Malamang walang tao. Sendy naman!

Napagpasiyahan kong lumabas sa dorm. Baka lumabas si Winzé! Pero saan naman siya pupunta? Hating gabi na! Sinarado ko muna ang pinto bago naglakad. Paano na lang kapag nahuli siya? Nakasaad sa rules sa school na 'to na bawal nang lumabas sa dorm kapag alas otso na ng gabi. Jusko po alas onse na kaya!

Crewd Academy: Malediction of Prophecy (PUBLISHED)Where stories live. Discover now