Chapter 2: Intruder

214K 6.5K 741
                                    

□◇◇♡◇◇□

INTRUDER

□◇◇♡◇◇□

Lutang ako nang umuwi ako sa bahay. Hindi nga ako maka-usap nang maayos nina Dara kanina dahil wala akong imik. Hindi kasi mawala sa isipan ko kung ano ang nangyari kanina. Kung totoo ba talaga ang nangyari kanina. Biglaan talaga at nakakatakot!

Hanggang dito sa hapag kainan ay wala akong ibang inisip kung hindi 'yong ginawa kanina ni Ma'am Arah. Paano kaya niya napatay o kung ano man ang nagawa niya sa demonyong 'yon? Saka saan naman nanggaling ang babaeng demonyong 'yon?

Napansin ko naman na nakatingin na pala sa'kin si Mama.

"Ma, matutulog na po ako." Sinabi ko lang 'yon para hindi na maghinala si Mama. Baka masabi ko pa 'yong nangyari at siguradong mag-aalala lang siya.

Tumayo na ako at hindi na tinapos ang pagkain. Pero gutom din ako! Huhu!

"Sendy, ayos ka lang ba?"

Tumuloy na ako sa paglalakad dahil ayaw kong maghinala pa si Mama sa mga kinikilos ko.

Naiisip ko pa rin kasi—

"Sendy?! Are you really okay!?"

Nabalik ako sa katinuan dahil napalakas ang boses ni Mama. Napapikit ako dahil nawawala ako sa sarili ko. Okay! Tapos na, Sendy! Hindi na mangyayari ulit iyon!

"O-Opo! Papasok lang ako sa kwarto ko," sabi ko at hinawakan ang door knob ng pinto. Pipihitin ko na sana ito nang magsalita ulit si Mama. Nasa likod ko na pala siya.

"Ayos ka lang ba talaga? Tingnan mo, cr natin 'yan, Sendy." Napatigil ako sa pagbukas ng pinto nang mapagtanto ko ang sinabi ni Mama. She's right.. Nasa taas pala ang kwarto ko. Pahiya ako ro'n.

"Ah, opo alam ko po." Nagkamot ako sa ulo ko. "Chine-check ko lang kung patay na po itong ilaw sa banyo natin, hehe.. Baka bukas pala edi nasayang pa kuryente natin? Mabuti nang sigurado! Sige, good night na po!"

Dali-dali akong umalis doon at nagtungo agad sa kwarto. Nang mahiga ako sa kama ay muling bumalik sa isip ko ang lahat. May bad spirit bang nakasanib doon sa babae that's why ang buong mata niya ay kulay black? Baka demonyo siguro! Ngunit bakit siya tumalsik at biglang naging itim na usok at naglaho? How did that happen?

Dahil ba 'yon sa spell na sinabi ni Ma'am Arah? Spell? Alam ko na may spell nga sa mga fantasy movie ngunit totoo pa lang gumagana ang mga 'yon? That's unbelievable! Hindi ako naniniwala!

Ngunit hindi rin ako pwedeng magkamali sa mga huling narinig ko kay Ma'am Arah.

"Take care of yourself always. You're different. I can feel it.. I can feel that you're not just a normal person."

Kakaiba raw ako...

At feeling niya hindi ako normal...

Edi abnormal ako gano'n?!

Aba naman! I don't get what she's trying to say! Ano ba ang pinapahiwatig niya?


□◇◇♡◇◇□


Pagkatapos kong magbihis ng uniform ay napansin ko na nakabihis na pang-alis si Mama. Hindi niya nasabi kung saan siya pupunta. Ang sabi niya, uuwi rin daw siya agad para hindi ako mag-alala.

Crewd Academy: Malediction of Prophecy (PUBLISHED)Where stories live. Discover now