Chapter 37: The Tres Marias

80.2K 2.9K 149
                                    

□◇◇♡◇◇□

TRES MARIAS

□◇◇♡◇◇□

Nagsilabasan ang lahat ng tao at gulat na gulat sa nakikita.

"Malaya na tayo!" sigaw ng isang matandang lalaki at makikita mo ang galak sa kaniyang mukha. Madami ang napaiyak at nagtatalon sa sobrang tuwa.

Napangiti kami. Kanina ay takot na takot sila pero ngayon ay ginhawa at saya ang makikita sa mga mukha nila.

"Maraming salamat." Iyan ang bukambibig nila sa amin.

"Patawarin niyo ako. Hindi na ako manggugulo ulit," sambit ng daemon na siyang ikinagulat ng lahat.

"Kahit isang taon na mula nang apiin mo kami, pinapatawad ka pa rin namin," sambit ng isang babaeng ginang na siyang nakapagpangiti sa amin.

"Alam naming nagagawa mo lang iyan dahil sa gusto mong maghiganti. Nawa'y matanggal na ang galit sa iyong puso," sambit naman ng isang lalaki.

🔱🔱🔱


Ngising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Wala kaseng kurtina ang bintana kaya tumatagos ang sinag ng araw.

Kinusot ko ang mga mata ko at umupo. Pinasadahan ko ng tingin ang mga kasama kong humihilik pa at masarap ang tulog. Nasa kabilang kwarto naman ang mga lalaki.

Ako pa lang ang gising? Tumingin naman ako sa wall clock at nagulat.

"Five o'clock pa lang," bulong ko.

Pero bakit parang tirik na tirik na agad ang araw?

Napailing na lang ako at tumayo. Lumabas ako ng kwarto at sumalubong sa akin ang tahimik na sala. Umupo ako sa upuan na gawa sa kahoy at nagmuni-muni muna. Hindi pa gumagana ang utak ko.

Naalala ko naman ang nangyari kahapon.

Tuwang-tuwa ang mga tao kahapon dahil sa wakas ay ligtas na sila. Nangako naman ang Praegrandis Daemon na hindi na siya manggugulo ulit at sa katunayan ay humingi siya ng paumanhin sa mga tao. Nagkasunduan naman ang mga tao at ang daemon na libre ang mga pagkain na kakainin niya sa araw-araw na ikinatuwa niya.

Natuwa nga rin kami dahil mabait naman pala ang daemon. Nang dahil lang sa gusto niyang maghiganti kaya nakakagawa siya ng kasamaan na hindi naman dapat. Natuwa rin kami kase pinatira kami ng libre sa bahay na ito na gawa sa kahoy at sakto lang para sa amin. Pinakain din kami kagabi bilang pasasalamat daw sa ginawa naming kabutihan.

Sa katunayan ay inaantok pa ako at nakakaramdam na rin ng gutom. Nawala ang antok ko nang biglang may kumatok sa pinto. Kumunot ang noo ko at inisip kung may bisita ba kami. Sino naman kaya 'yon?

Napagpasiyahan ko na tumayo para buksan ang pinto. Pero may nag-uudyok sa akin na huwag ko itong buksan dahil baka magnanakaw pala. Huminga muna ako nang malalim at binuksan ang pinto.

Tumambad sa akin ang tatlong ginang na nakangiti at may dalang maraming pagkain. Tila nagningning ang mga mata ko sa dami ng pagkain na dala nila.

"Magandang umaga, Selendria," nakangiting bati ng nasa gitna na may kulay violet na buhok.

Ang weird lang dahil iba-iba ang kulay ng buhok nila. Magaganda rin naman sila. Pero paano nila ako nakilala?

Crewd Academy: Malediction of Prophecy (PUBLISHED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें