Chapter 58: Bloody War Part 2

80K 2.7K 230
                                    


□◇◇♡◇◇□

BLOODY WAR

PART 2

□◇◇♡◇◇□


"Palabasin niyo ang mga paborito kong alagad," nakangising saad ni Chaos sa mga alagad niya. Yumuko naman ang mga alagad niya bilang pagsunod sa utos.

Napatigil ang mga naglalaban nang makarinig nang malakas na ungol. Tila magkaibang ungol ang umaalingangaw sa buong paligid. Tunog pa lang nito ay masasabi mong monster ang mga ito at sobrang nakakatakot.

Napatigil sina Winzé at Kliffer nang marinig iyon pati na sina Ma'am Arah at Sorceress Lavender. Mas malakas ang tunog na narinig nila dahil nasa malapit na lugar sila kung saan nanggagaling ang mga iyon. Nanlaki ang mga mata ni Winzé nang makita nila ang mga nakakatakot at naglalakihang nilalang.

"Oh my gosh!" nanlalaking matang usal ni Lavender sabay napatakip sa bibig. "Nox Wendigo at Giant Oni!"

The Nox Wendigo is a dark monster and its desiccated skin pulled tightly over its bones. With its bones pushing out against its skin, its complexion the ash-gray of death, and its eyes pushed back deep into their sockets, the Wendigo looked like a gaunt skeleton recently disinterred from the grave. What lips it had were tattered and bloody ... They eat human flesh.

Giant Oni is a kind of an ogre. They are hulking figures with one or more horns growing out of their heads. Stereotypically, they are conceived of as red, blue or white-colored, wearing garment of tiger pelt, and carrying metal stick. They are man eating.

Napatingin si Winzé sa kaniya. "Alagad ba ang mga yan ni Chaos?"

"Mukhang alagad niya dahil agresibo sila at pinapatay ang mga kasamahan natin."

Napapagitla sila sa tuwing maririnig nila ang mga sigaw ng mga kasamahan nila.

"Kinakain nila ang mga kasama natin!" gulat na sigaw ni Ma'am Arah at hindi makapaniwala sa nakikita. Wala silang magawa dahil napakalaki ng mga ito at sobrang nakakatakot!

Napalingon naman sila sa likod nila nang makarinig nang malakas na ungol. Sabay-sabay na nanlaki ang mga mata nila sa isang monster na nasa harap nila ngayon. Ang Nox Wendigo na ngumunguya pa ng flesh ng isang tao. Halos masuka sila sa nakikita.

Natakip ni Winzé ang mga nanginginig niyang kamay sa bibig niya dahil sa nakikita habang si Kliffer ay napalunok naman.

"Get ready! Don't let your guard down!" sigaw ni Ma'am Arah.

Nag-cast agad ng spell si Sorceress Lavender ngunit gayon na lang ang pagkagulat nilang lahat nang hindi man lang ito tinablan. Tinabingi ng Nox Wendigo ang ulo nito na parang iniisip kung ano ang ginawa sa kaniya. Niluwa niya ang nginunguya niya at pinagmasdan ang mga nasa harap niya at napangisi.

"Hindi sila tinatablan ng mga spell..." bulong ni Kliffer.

"Sh*t! Lagot na!" sigaw ni Winzé nang magsimula nang tumakbo ang Nox Wendigo papunta sa kanila. At hindi lang isa kundi dalawa na sila ngayon!

"Takbo!" sigaw ni Ma'am Arah na siyang sinunod ng lahat.

Umalingawngaw na naman ang mga ungol nila at dumadagundong sa bawat tapak nila sa lupa.

Napahinto sila nang marinig nila ang sigaw ni Ma'am Arah. Nanlaki ang mga mata nila nang makitang nakadagan ang paa ng isang Nox Wendigo sa mga binti ni Ma'am Arah.

Crewd Academy: Malediction of Prophecy (PUBLISHED)Where stories live. Discover now