Chapter 18: Crewd Academy

112K 3.9K 161
                                    

□◇◇♡◇◇□

CREWD ACADEMY

□◇◇♡◇◇□

Pagkababa namin sa tren ay sinalubong kami ng napakalaki at napakataas na gate na nababalutan ng kulay puting niyebe? Bakit may niyebe? At may nakasulat sa taas na Crewd Academy.

Marami rin kaming nakasabayan sa pagbaba. Ibig sabihin, dito rin ang punta nila? Wala kang makikitang bahay dito dahil puro puno ang magkabilang gilid ng daan.

"Nasaan na ba tayo, Faye?" tanong ko.

Napatingin ako kay Dara at Val na laglag ang mga panga. Mukhang hindi sila makapaniwala sa nakikita nila. Ako rin, eh.

"That's freaking awesome!" puna ni Winzé sa giant gate na nababalutan ng niyebe.

"This will be your new school! Ang Crewd Academy!" maligayang sambit ni Faye.

Crewd Academy? What kind of school is that? Weird name but it's interesting. So, sa school na 'yan ako gustong pag-aralin ni Mama? What's the reason? Bakit dito pa? Sa dami naman ng school doon sa amin?

Nagulat naman ako nang biglang yakapin ako ni Dara. "Thank you, Sendy! Buti talaga sumama ako sa'yo! Mukhang maganda ang school na papasukan natin!" natatawang sambit niya. Napailing na lang ako.

"Oo nga, Sendy! Excited na tuloy akong mag-aral diyan!" nakangiting sambit ni Val.

Ngunit ang kaninang namamangha kong reaksiyon ay napalitan ng pagkagulat sa nakita. Iyong mga nakasabayan namin kanina, bigla na lang naglaho nang tumapat sila roon sa bandang gilid ng gate kung saan ay parang may square na device roon. Hala! Bakit sila nawala?!

"Did you see that?! They all suddenly disappeared!" Pati si Winzé ay nakita pala 'yon. Sobrang high-tech naman yata rito?

"Ang galing naman.." hindi makapaniwalang sambit ni Dara.

"Ano pa ang hinihintay niyo? Halina kayo!"

Sumunod kami kay Faye at tumigil kami kung saan nakatayo kanina ang mga magtra-transfer din siguro rito.

"Ano 'yang red na square na 'yan?" takang tanong ko kay Faye.

"Iyan ang magdedetect sa'yo bago kayo maaring pumasok sa loob." Ahh.. Gano'n pala 'yon! "Ang gagawin niyo lang ay itatapat niyo ang mukha niyo para mabasa niya ang mga identity niyo."

Crewd Academy: Malediction of Prophecy (PUBLISHED)Where stories live. Discover now