Chapter 41: Forbidden Ortus

84.2K 3.2K 550
                                    

□◇◇♡◇◇□

FORBIDDEN ORTUS

□◇◇♡◇◇□


"Sino ang nakakaalam sa mga guardians?" tanong ni Prof. Hawkins habang palakad-lakad sa gitna na parang sinusuri lahat kami.

Naisip ko lang, ano kaya pakiramdam na maging prinsesa? Masarap kaya sa pakiramdam nang makasuot ng gan'ong kagandang gown? Na may korona sa ulo? Nandoon pa kaya sila sa Royal Hall?

May nagtaas naman ng kamay. "Ang alam ko po ay nasa Forbidden Ortus sila."

"You're right, Miss Jeonghan! Nasa Forbidden Ortus sila. Kaya ko nabanggit ang guardians ay dahil kailangan niyong magkaroon nito para sa nalalapit na Luminae Tournament."

Napa-woah ang mga kaklase ko na parang gulat sa narinig. Bakit kaya? Parang tuwang-tuwa sila, eh.

"Hala! So kailangan may magulang tayo sa Luminae Battle?" kunot-noo na tanong ni Dara sa amin. Natawa kami nang mahina ni Val.

"Stupid," walang emotion na sambit ni Winzé. Pfft..

"Makinig na lang tayo," sambit ko.

May nagtaas ng kamay. Tumango naman si Prof. Hawkins na hudyat na pwede itong magtanong.

Tumayo naman 'yong lalaki. "Prof, 'di ba hindi na pwedeng makapasok sa Forbidden Ortus kase sinarado na ng Royal Empress of Dragon? Paano kami makakapasok doon?"

Kumunot ang noo ko at naguluhan sa tanong ni Mingyu. Masasabi ko na siya ang pinakagwapo sa klase at sobrang talino rin. Pero sino ang Royal Empress of Dragon? At bakit sinarado?

Nang makarating na si Prof. Hawkins sa mesa na nasa harap ay umupo siya doon at napabuntong hininga.

"Yeah, mukhang nakikinig ka sa History subject, Mr. Mingyu. Tama ka sa sinabi mo at iyon na nga ang problema. Sinarado lang ito ng Royal Empress Dragon magsimula nang mawala ang Luminus Princess. Pero umaasa pa rin kami na mabubuksan iyon sa tulong ng Royalties."

Hindi kaya sina Airyn ang tinutukoy niyang Royalties? Pero sino ang Luminus Princess? Ang daming tanong sa utak ko!

"Ang hirap kapag transferee! Dami nating hindi alam!" bulong sa amin ni Val. Tama siya! Hay! Ang gulo tuloy!

Natahimik naman ang lahat at mukhang nalungkot sa sinabi ni Prof. Kinuha naman niya ang libro na nakapatong sa mesa niya at may binasa roon.

"Hindi pa rin siya nahahanap! Sana buhay pa rin ang Luminus Princess.."

"Oo nga, girl! Ano kaya ang magic niya?"

"Ang alam ko lang ay magaling siya sa pakikipaglaban pagdating sa espada.."

"Yes! Hindi natin alam dahil hindi ipinaalam ang magic niya!"

Rinig na rinig namin ang mga bulungan ng nasa likod. Nawawala ang Luminus Princess? I wonder kung ano ang itsura niya. Sigurado sobrang ganda n'on! 

"Kung hindi sana nawala ang Luminus Princess, baka hindi naging girlfriend ni Prince Charlie si Ivory."

Tila nagpantig ang tainga ko sa narinig. Napatingin ako sa likod ngunit hindi ko alam kung sino ang nagsabi n'on. Muli ko na lang binalik ang tingin sa harap. Parang may bumara sa lalamunan ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Girlfriend ni Charlie si Ivory?! Bakit ngayon ko lang nalaman?!

Crewd Academy: Malediction of Prophecy (PUBLISHED)Where stories live. Discover now