Chapter 10: Saviour

118K 4.2K 277
                                    

□◇◇♡◇◇□

SAVIOUR

□◇◇♡◇◇□

Pagkagising ko ay si Faye agad ang bumungad sa akin. Ang lapit niya sa mukha ko na parang pinagmamasdan ako.

“Oras na para mag-aral!” Lunes na nga pala ngayon at naalala ko sina Dara. Hinagilap ko naman si little dragon dahil si Faye lang ang lumilipad ngayon.

“Nasaan si little dragon?” Nagkibit-balikat naman si Faye.

“Nang magising ako ay wala na siya sa tabi ko. Baka bumalik na ulit sa likod mo.”

Agad naman akong tumayo at tiningnan ang likod ko sa salamin. Nagbalik na nga siya sa likod ko!

“Oh, bakit ang lungkot ng mukha mo?”

“Ang cute kasi niya. At saka gusto ko may kalaro ka, Faye.” Ang saya siguro nilang pagmasdan kapag si little dragon ay hinahabol si Faye. Tapos may slow motion effect pa!

“Oy! Hindi ko gusto ’yang paraan mo ng pagtitig sa akin! Parang may iniisip kang kalokohan, ha!” Natawa naman ako sa kaniya. Nakakatawa siguro sila kapag gano’n!

“At saka ayaw ko sa dragon na ’yon! Baka agawin niya atensyon mo sa akin. Gusto ko ikaw lang ang kalaro ko!” Napangiti na lang ako. Ang sweet pala ng fairy na ’to.


Naligo na ako at sinuot ang uniform. Pinagmamasdan naman ako ni Faye sa salamin habang nagsusuklay ako.

“Ang ganda mo talaga, Sendy!” Nag-blush naman ako sa sinabi niya.

“Sus! Binobola mo lang ako! Maganda ka rin naman, Faye!” Napangiwi naman siya sa sinabi ko. Nagulat na lang ako nang lagyan niya ng hair clip ang gilid ng buhok ko.

“Ayan! Bagay na bagay mo!” Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Bagay ko nga ang hair clip. May disenyo itong puting bulaklak na maliliit.

“Thank you, Faye.”

“Basta para sa’yo, Sendy!” Bigla naman akong may naisip.

“Sasama ka ba sa akin sa school? Baka makita ka nila at magulat sa’yo!”

“Don’t worry, Sendy! Isa kaya sa mga ability ko ang mag-invisible! Tadah!” Nagulat naman ako nang unti-unti nga siyang naging invisible. Ang galing!

Crewd Academy: Malediction of Prophecy (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon