Chapter 28: Guidebook of Crewd

89.3K 3.2K 217
                                    

□◇◇♡◇◇□

GUIDEBOOK OF CREWD

□◇◇♡◇◇□


Nagising ako at ang madilim na kalangitan ang unang nakita ko. Mabuti na lang ay nasisinagan ako ng buwan. Ang akala ko ay may tumulong sa akin ngunit nanlumo ako. Wala pala. Nakakatawa lang dahil inabot ako ng gabi rito nang walang nakakakita sa akin. Sino ba naman ako.

Siguro ay agad din tumila 'yong ulan dahil hindi lumubog dito. Masuwerte pa pala ako. Nakatulog pala ako nang hindi ko man lang namamalayan. Mabuti na lang at buhay pa ako.

Sinubukan kong igalaw ang katawan ko at unti-unting tumayo. Nakakagulat lang dahil hindi na masakit ang katawan ko! Napatingin ako sa itaas. May mga ugat-ugat naman kaya 'yon ang hinawakan ko at unti-unti akong umakyat. Nang marating ko na ang itaas ay siya namang ikinatuwa ko.

Nang tuluyan na akong makaalis sa hukay ay napangiti ako. "Hay.. finally! Papatayin ko talaga 'yong Charlie na 'yon!" Inalis ko ang mga putik na dumikit sa uniform ko.

Madilim dito sa gubat at nakakatakot ngunit dahil sa mga nagkalat na mga alitaptap kaya nagkakaroon ng konting liwanag ang buong paligid. Geez! Nakakatakot mag-isa!

Naglakad-lakad lang ako. Siguro makakabalik naman ako hindi ba? Tumingin-tingin naman ako sa paligid dahil para may kakaiba. Parang may nakatingin sa akin. Binilisan ko ang paglalakad. Natatakot na talaga ako!

"Selendria.."

Napahinto ako sa paglalakad nang may nakakatakot na malaking boses ng lalaki ang tumawag sa pangalan ko. Mabagal lang ang pagkakasabi niya ng pangalan ko na parang nakikipaglaro siya sa akin. At parang tinatakot niya ako. Hindi ko alam kung sino 'yon dahil hindi pamilyar ang boses niya!

Tumingin-tingin ako sa paligid ngunit wala akong maaninag na tao. Nagsimula nang kumabog ang puso ko kaya tumakbo ako. Shit! Tatakbo na naman ako!

Mas binilisan ko ang takbo ko dahil narinig ko na naman 'yon ngunit may kasama ng tawa ngayon. Shit! Naninindig ang mga balahibo ko! Demonyo ba 'yon? Baka patay na pala ako kaya sinusundo na ako?!

Naulit na naman ang pagtawag niya sa akin. Parang pinaglalaruan niya ako! Naiiyak na naman ako! Lumalabo na rin ang paningin ko dahil sa mga luhang nagbabadyang tumulo sa mga mata ko. Sobra na 'yong takot na nararamdaman ko na parang sinusundan ako ng kung sinong demonyo.

Nang maulit na naman ito ay tuluyan na akong napaupo at tinakpan ang dalawang tainga ko.

"Tama na! Tumigil ka na!" Sigaw ako nang sigaw at napahikbi dahil sa takot.

"Sendy! Wake up! Binabangungot ka!"

Ang boses ni Faye ang nakapagpamulat sa aking mga mata. Napaupo ako. My heart is beating so loudly. Ang bilis din ng paghinga ko at nandoon pa rin ang takot ko. Nanginginig ako sa takot. Napahawak na lang ako sa mukha ko at hindi ko napigilan ang paghagulgol.

"Sendy, don't cry. I'm here. You're safe."

Inalis ko ang mga kamay ko sa mukha at nakita si Faye na alalang-alala sa akin. Hinawakan niya ang mukha ko at pinahid ang mga luha ko. Kahit na maliit lang siyang nilalang ay kaya niya pa rin akong protektahan.

Crewd Academy: Malediction of Prophecy (PUBLISHED)Where stories live. Discover now