Chapter 46: Training Part 1

82.9K 3.1K 408
                                    

□◇◇♡◇◇□

TRAINING PART 1

□◇◇♡◇◇□

Lumingon ako sa kaniya. Mukhang nababahala siya.

"Ibig po bang sabihin ay si Chaos ang totoong Daryll? At siya po dapat ang naging Hari ng Luminus Nieves Kingdom?"

Tumango ang Royal Empress Dragon. Napagtagpi-tagpi ko na.. Ang nasa panaginip ko dati na si Prince Gulo ay si Chaos! At si Eve.. ay ang Mama ko na si Anerva?! Ang totoo niyang apelyido ay Allister, hindi Alstrein na gamit ko ngayon! At si Avrelle, siguradong na kay Chaos siya!

Gulat akong napatingin sa Royal Empress Dragon. "Ibig pong sabihin ay ang Luminus Prince ay si Charlie at hindi ako?"

"Tama ka, subalit dahil nanggaling ka sa kapangyarihan ko ay matatawag ka pa ring Luminus Princess."

Napabuntong-hininga na lang ako. Kilala ko na ang mga totoo kong magulang. Ngunit kung hindi dahil kay Royal Empress Dragon ay wala dapat ako. Ibig sabihin ay anak din ako ng Royal Empress Dragon?!

Hindi ko lubos maisip na ganito pala ang nangyari noon! Ang saklap na parang nakakapanghinayang dahil sa nangyari kay Chaos.

Ngunit may bigla naman akong naalala. "Ang Sacred Luminus Locket.. Nawa-"

"Alam ko.. kaya gumawa ako ng panibago nito at tinanggalan ko nang bisa iyon."

Bigla na lang may lumitaw na kwintas sa leeg ko. Kamukha ng una kong kwintas!

"Ngunit kilala niyo po ba kung sino ang kumuha-"

"Si Chaos.."

Napanganga ako sa sinagot ng Royal Empress Dragon. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Wala akong kamalay-malay na nakaharap ko na pala si Chaos! Naalala ko na nagpunta sina Airyn noon! Kasama sina Charlie! Ibig sabihin ay may chance na nagkita na ang mag-ama! Gosh! Kailangan din malaman ni Charlie ang lahat!

"Pwede pa po ba akong magtanong?"

Ngumiti naman ito. "Bakit naman hindi?"

"Nasaan ba po ang magic ko? Bakit wala po akong maramdaman sa sarili ko?"

"Sapagkat nasa akin ang magic mo. Kinuha ko ito simula nang mapunta ka sa mundo ng mga normal na tao. Hinihintay ko lang na kunin mo ito sa akin."

Parang ginanahan naman ako sa narinig. Ibig sabihin ay may magic ako! Jusko! Kay tagal kong hinintay na magkaroon ng magic!

"Maaari ko na ba itong makuha?"

Lumapit sa akin ang Royal Empress Dragon at hinawakan ang dalawang palad ko. Naramdaman ko ang kakaibang sensasyon na dumadaloy sa loob ng palad ko. Finally!

"Hoy, Sendy! Kanina ka pa tulog diyan! Baka nakakalimutan mong ngayon na mag-uumpisa ang training!"

Hindi ko alam kung nananaginip ba ako o talagang naririnig ko ang matinis na boses ni Dara.

Crewd Academy: Malediction of Prophecy (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon