Chapter 55: Bait

80.5K 2.7K 507
                                    

□◇◇♡◇◇□

BAIT

□◇◇♡◇◇□


SELENDRIA'S POV

Hindi ako makatulog sa kakaisip sa nangyari kanina. Hindi ko alam kung panaginip lang ba ang lahat ng ito. Hindi pa rin maproseso ng utak ko ang nangyari magsimula sa tournament hanggang sa makukulong ako ng tatlong taon. Hindi ko na alam ang gagawin ko! Ayaw ko nang maalala pa 'yong nangyari kanina! Sana panaginip na lang lahat ng ito!

"Sendy..."

Napamulat ako nang marinig ko si Faye. "Umiiyak ka na naman. Tahan na..." Umupo siya sa tabi ng kama ko.

Pinunasan ko ang mga luha ko sa gilid ng mga mata. "Hindi ko na alam ang gagawin, Faye. Feeling ko pinagsakluban ako ng langit at lupa."

"Bakit kaya sinabi ni Charlie 'yon? Magka-away ba kayo?"

Napaisip ako. Ayos naman kami, ah? Nagkausap pa nga kami at muntik nang magkahalikan... "Hindi naman. Hindi ko alam, Faye. Hindi ko na alam ang iisipin ko lalo pa't bukas na ako ikukulong."

"Maybe he has a reason..." Napatingin kami ni Faye kay Infires Men na nakaupo sa couch. Mukhang may iniisip din siya.

Kung gano'n, ang ang rason niya?

***

Pagkagising ko ay parang ayaw ko pang bumangon. Ito na ang huling araw ng tulog ko sa kwartong ito. Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito at bumungad sa akin si Airyn. Mababakas ang lungkot sa mga mata niya. Pinilit kong ngumiti sa kaniya para ipakita na ayos lang ako. Mabibisita naman nila ako panigurado.

Tumango siya sa akin at alam ko na ang ibig sabihin.

Habang naglalakad kami ay pinagtitinginan kami. Napayuko na lang ako dahil sa kahihiyan. Hindi ko kayang salubungin ang mga mapanghusga nilang titig. Kung malaman ba nilang ako ang Luminous Princess ay may magbabago ba?

Tahimik naming tinahak ang daan papunta sa sinasabi nilang Nieves Dungeon. Kasama rin namin si Principal Grey pati na ang mga sentinel na siyang magdadala sa amin doon. Walang may balak na magsalita. Hawak nina Drage, Kliffer, at Vendell ang mga gamit ko. Tanging sina Charlie, Kairo, Jater, at Neithan ang hindi naming kasama. Mabuti na 'yon.

Nang makarating kami ay nalula ako sa taas ng gate na napapalibutan ng nyebe. Kaya pala pinagsuot kami ng mga cloak.

Ito na... Humarap ako sa kanila nang may ngiti sa labi. Nararamdam kong nangingilid ang mga luha ko pero pinilit kong hindi ipahalata.

"Sendy..." Napatingin ako kay Dara. Umiiyak siya.

Nginitian ko naman siya niyakap. "Magiging ayos lang ako rito. Dadalawin niyo naman ako, 'di ba?"

Niyakap naman nila ako lahat at maririnig ang mga hikbi nila. Lagi kong sinasabi na ayos lang ako dahil ayaw kong isipin nilang mahina ako.

"Selendria."

Napalingon ako kay Principal Grey. Nakangiti ito ngunit iba ang ipinapakita ng mga mata niya. "Gagawin ang lahat para linisin ang pangalan mo."

Ngumiti ako sa kaniya. "Maraming salamat, Principal Grey."

"Sasabihin ko kay Neithan na maayos kang naidala rito." Ngumiti ako kay Drage at tumango.

Bumukas na ang gate at sumenyas na ang mga sentinel na pumasok na ako. Bitbit na nila ang mga gamit ko. Muli ay lumingo ako sa kanila ngumiti. Ngumiti sila ngunit isang malungkot na ngiti.

Crewd Academy: Malediction of Prophecy (PUBLISHED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora