Chapter 17: Serria Land

101K 3.7K 198
                                    

□◇◇♡◇◇□

SERRIA LAND

□◇◇♡◇◇□

“B-Buti nandito na kayo!” kinakabahang sambit ko.

Isang back pack lang ang dala ko. Mga importanteng bagay lang ang dadalhin ko. Sabi ni Faye, may mabibili naman daw na damit doon.

Sendy? Nasaan na ’yong fairy?” tanong ni Dara at nagpalinga-linga sa paligid. Naka-invisible mode naman ngayon si Faye sa tabi ko.

“H-Ha? Anong fairy ang sinasabi mo diyan? Walang fairy dito!” patay-malisyang sabi ko. Alam nila na fairy si Faye! Shet!

Nandito lang siya kanina! Ang cute nga niya, eh! Akalain moyon? May fairy pala talaga?” namamanghang wika ni Dara.

Oo nga! Kakausapin ko sana kaso nagmadaling lumipad paalis!” sabat naman ni Val.

Gulat na gulat naman ako sa mga naging reaksiyon nila. Akala ko matatakot at sisigaw sila kagaya ng unang reaksiyon ko kay Faye. Ngunit kabaligtaran pala. Ako lang talaga ang OA rito.

Pero siyempre nakakagulat talaga na may totoong fairy!

“Hi!”

“Oh, ayan pala siya? Akala ko ba walang fairy dito?” nakataas na kilay na tanong sa akin ni Winzé.

Nagpakita na pala si Faye. Manghang-mangha naman ang mga mukha nila. Kulang na lang ay pasukan ng langaw ang mga bibig nila.

“Oh my fairy! Ang ganda-ganda naman niya!” Kulang na lang din ay magkaroon ng rainbow ang mga mata ni Dara.

“She’s so cute!” Nanggigil si Winzé kaya kinurot niya ang dalawang pisngi ni Faye. Napangiwi naman ito.

Ang cute niya talaga! May pangalan ka ba?” tanong ni Val kay Faye. Ngumiti naman si Faye kaya mas lalong umumbok ang mga pisngi niya.

“Yes! Faye ang pangalan ko! Si Sendy ang nagbigay no’n!”

Sendy! Saan nanggaling si Faye?” tanong ni Val. Saan nga ba siya nanggaling?

She’s an Aureus Fairy at galing daw siya sa Minor Aurum Frozen Town. We’re same age and birthday.” Iyon lang ang sinabi ko dahil baka magulat sila kapag nalaman nilang may abilities si Faye.

Crewd Academy: Malediction of Prophecy (PUBLISHED)Where stories live. Discover now