Chapter 34: Invisibility Flower

95.3K 3.2K 368
                                    

□◇◇♡◇◇□

INVISIBILITY FLOWER

□◇◇♡◇◇□


Isang araw lang akong nanatili sa clinic. Wala naman masakit sa akin at wala rin akong kahit na anong sugat. Binigyan lang ako ng physician ng capsules para mawala 'yong pagsakit ng ulo ko. Epekto raw 'yon ng illusion na inilagay sa akin n'ong babae sa Mortis Forest. Pero sino kaya 'yon? Bakit naman niya ginawa sa akin 'yon?!

Ang sabi ni Airyn ay nakita raw ako ni Charlie na wala sa sarili na naglalakad papalapit sa isang malaking puno na patay na. At 'yon lang ang sinabi ni Airyn. Paano ako iniligtas ni Charlie? Hayy..

Pero may napansin ako. Hindi lang isa o dalawa kung hindi apat na beses na akong iniligtas ni Charlie. Noong una ay 'yong may black magic sa loob ng katawan ko at hinigop niya ito. Pangalawa ay 'yong nahulog ako sa malalim na bangin. Pangatlo ay 'yong sa snow monster at pang-apat ay 'yong sa mission. Feeling ko tuloy, marami na akong utang sa kaniya. Sana huwag niya akong singilin!

"Ayos ka na ba? Hindi na ba sumasakit 'yong ulo mo?" tanong ni Val. Kasalukuyan kaming nasa classroom ngayon at hinihintay ang next Professor namin.

Tumango naman ako at ngumiti. "Uminom naman ako ng capsule."

"Suggest ko lang, Sendy, kung masakit 'yan ay tanggalin mo na lang!" Sinamaan ko ng tingin si Dara. Kahit kailan panira.

"Kung ikaw kaya tanggalin ko, you want?" Napatingin kami kay Winzé.

Nakakagulat nga, eh. Lately, napansin ko na ang bait niya sa akin magsimula nang matapos 'yong mission. Dahil ba n'ong iniligtas ko siya? Pero mabait naman talaga siya, hindi niya lang ipinapakita.

Mukhang natakot naman si Dara. "Hala, Winzé! Joke lang n-naman! Haha! Hindi ka mabiro! Parang wala tayong pinagsamahan! Ha-ha!"

Nagsibalikan ang mga nakatayo naming kaklase sa kani-kanilang puwesto nang biglang bumukas ang pinto. Hala! Nandito na 'yong terror na Professor! Sa expression niya pa lang ay mapapalunok ka. Grr.

Mukhang hindi siya natuwa sa nadatnan niya. "Minus 5 for those who were standing a while ago."

Tahimik ang buong klase at talagang nararamdaman mo 'yong tense. Shete! Katakot! Buti na lang hindi kami nakatayo kanina!


"Tomorrow you will go to the Secret Ortus. Find something unique out there that no one has seen yet." Naglakad-lakad ito sa buong classroom na parang inuusisa kami. "Kung ano ang makakapukaw sa atensiyon ko ay siyang makakakuha ng mataas na score. Kung sino ang makakuha ng mataas na score ay magkakaroon ng pagkakataon na makapunta sa Magustic Town. I know many of you want to be there. This is your chance so don't waste it."

Tahimik lang ang lahat at walang ni isang nagtangkang magtanong. Hindi naman sila ganiyan kapag sa mga ibang Professor.

"Gagawin niyo ito ng by partner. Isang babae at isang lalaki."

Nagkatinginan ang mga kaklase ko. Napatingin din ako kina Dara, Val at Winzé. Kunot lahat ang mga noo namin. Paano na kung babae at lalaki?! Jusmeyo! Sinong makakapartner ko?!

Crewd Academy: Malediction of Prophecy (PUBLISHED)Where stories live. Discover now