Chapter 39: Heart's Day

87K 3K 426
                                    

□◇◇♡◇◇□

HEART'S DAY

□◇◇♡◇◇□

Nagkaroon ulit ako ng malay at hawak pa rin nila ang mga braso ko at pilit na hinahatak palayo. "Bitawan niyo ako!" sigaw ko at nagpupumiglas sa kanila.

"Bitaw sabi, eh!" galit na sigaw ko na halos pumiyok na ako.

"Sendy! Gumising ka!"

Napabalikwas ako nang maramdaman ang dalawang kamay na yumuyugyog sa balikat ko. Sobrang kaba at takot ang nararamdaman ko habang hinahabol ang hininga. Tagaktak ng pawis ang noo ko. Nakahawak naman si Airyn sa dalawang balikat ko at mukhang alalang-alala siya.

"Pinikit mo lang sandali ang mga mata mo pagkatapos ay binabangungot ka na," nag-aalalang sambit ni Dara.

"Nandito na sila!" sambit ni Jhane.

Agad na lumapit sa akin si Aling Elina at may inabot na boteng may lamang kulay asul na likido.

"Mabuti na lang at dumating na kayo. Binabangungot si Sendy kanina," alalang sabi ni Airyn kina Jater.

"Inumin mo ito nang matanggal na ang poison sa tiyan mo." Tumango ako kay Aling Elina at ininom na ang laman ng bote.

"Binangungot siya dahil kumalat na ang poison hanggang sa utak niya," paliwanag ni Aling Elina.

"Mabuti na lang at nakuha agad ni Charlie ang healing potion," sabat naman ni Kairo.

Tila guminhawa na ang pakiramdam ko pagkatapos kong inumin ang healing potion.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" nakangiting tanong ni Aling Elina. Ngumiti naman ako.

"Ayos na po. Hindi na masakit ang tiyan ko."

"Hayy! Mabuti naman! Kanina pa hindi matanggal kaba namin, eh!" sambit ni Val at parang nakahinga na nang maluwag.

"Magpahinga ka pa para mas bumuti ang lagay mo," sambit ni Neithan habang nakangiti. Tumango naman ako. Napatingin ako kay Charlie ngunit nag-iwas lang siya ng tingin at umalis bigla kaya sinundan siya nina Kairo at Jater.

Ngunit ang ipinagtataka ko lang ay kung sino ang lalaki sa panaginip ko o bangungot. Basta alam kong kilala ko ang lalaking 'yon! Kilalang-kilala ko! Hindi ko lang maintaindihan kung bakit hindi ko na maalala ngayon ang mukha niya gayong klaro naman noong napapanaginipan ko siya kanina! Ang weird nang nangyayari sa akin ngayon! Hindi ko alam kung bakit hindi ko maalala ang mukha niya kahit na anong pilit ko!

"Sendy? Are you okay? May masakit pa ba sa'yo?" kunot-noong tanong ni Winzé nang mapansin ako.

Mabilis akong umiling at ngumiti. "Ayos na ako," sambit ko at muling humiga. Siguro ay kailangan ko nga na magpahinga.

"You should rest now kase mamaya ay mamamasiyal pa tayo," sambit ni Zyrelle.

Tumango naman ako at ipinikit na ang mga mata ko at pilit na inalis ang misteryong lalaki sa panaginip ko. Baka wala lang 'yon. Bangungot lang siguro.

___🔱🔱🔱___

"Talaga bang ayos ka na?" Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba akong tinanong ni Dara kung ayos na ako.

Crewd Academy: Malediction of Prophecy (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon