Chapter 38: Healing Potion

85.3K 3.1K 285
                                    

□◇◇♡◇◇□

HEALING POTION

□◇◇♡◇◇□

Mabilis akong yumuko nang makita ang isang shuriken na bumubulusok sa direksiyon ko. Mabuti na lang at mabilis ako dahil kung hindi, baka napuruhan na ang mukha ko. Hindi ako makatira dahil hindi ko alam kung saan ba nanggagaling ang mga 'yan! Masiyado silang mabibilis! Parang nagsusulputan sila kung saan!


Agad akong nagsummon ng Acid Pheonix na gawa sa tubig. Sinalubong nito ang mga shuriken na bumubulusok papunta sa akin. Natunaw ang mga shuriken na sinalubong niya.

Napatingin naman ako kay Kairo. "Kairo! Sa likod mo!" sigaw ko.

Naalarma si Kairo sa sigaw ko kaya agad siyang lumingon sa likod niya at nakita ang mga dagger na mabilis na bumubulusok sa direksiyon niya. Saan naman galing ang mga dagger?!

Agad niyang pinagalaw ang mga buhangin sa lupa at nagform ito ng barrier na ginamit niya para hindi siya tamaan ng mga dagger.

Si Vendell at Drage naman ay pinoprotektahan si Aling Elina. Kapag may bumubulusok na shuriken papunta sa kanila ay tinitira ito ni Kliffer gamit ang wand niya. Napansin ko na may dugo ang tela na nakabalot sa binti ni Kliffer kung saan siya tinamaan ng shuriken. Malayo naman sa bituka 'yan kaya ayos lang. Huwag lang siyang mauubusan ng dugo.


Nagpalabas ng red flames si Charlie at nagform iyon ng bilog. Nagtaka ako kung saan niya gagamitin iyon at mukhang nakakatakot ito dahil may imahe ito ng isang nagngangalit na tigre. I can sense his anger. Mukhang sagad na ang pasensiya niya. Pati si Neithan ay nakunot ang noo habang nakatingin kay Charlie.

Nagulat ako nang lumingon si Charlie sa itaas ng puno kung nasaan nakatayo si Maria Greena sa isang sanga. Nawala ang ngiti ni Maria nang makita si Charlie na nakatingin sa kaniya.

"Siya dapat ang tirahin niyo!" sigaw ni Charlie at mabilis na tinira si Maria Greena na nasa itaas ng puno. Malakas ang pagkakatira niya na sa tingin ko ay magiging critical ang lagay mo lalo pa't nagsummon ito ng tigre.

Gulat ang rumehistro sa mukha ni Maria Greena ngunit huli na ang lahat bago pa siya makailag sa mabilis na atake ni Charlie. Tumilapon siya sa malayo habang nasusunog ang damit niya. Umalingawngaw ang sigaw niya sa buong paligid at dinig namin ang daing niya. Nawala na rin ang mga shuriken at dagger.

Biglang nagpakita ang isa pang ginang na may kulay asul na buhok. Nagngingitngit ito sa galit na parang nasaksihan niya ang nangyari. Ang tanga niya naman dahil ngayon lang siya nagpakita.

"Magbabayad kayo sa ginawa niyo sa kapatid ko!" galit na sigaw nito at unti-unting lumalabas ang mga mahaba at makapal na sinulid na galing sa loob ng kamay niya pati na sa ibang parte ng katawan niya.

"Ano 'yan?! Producer ng sinulid?" natatawang tanong ni Kairo na parang hindi alintana ang panganib.

"Pwede 'yang pagkakitaan," gatong ko pa na siyang nakapagpangisi sa ginang.

Nagulat na lang kami nang mabilis niyang paluputan si Drage ng makapal niyang sinulid sa binti at hinila ito.

"Drage!!" sigaw ni Vendell at Kliffer.

Unti-unti niyang inangat si Drage sa ere at nakalambitin ito. Pinulupot niya rin ng makapal na sinulid sa katawan si Drage at makikita sa mukha niya na nahihirapan siyang huminga! Tumawa ang ginang na parang nang-iinsulto ito.

Crewd Academy: Malediction of Prophecy (PUBLISHED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang