Chapter 20: Connection

100K 3.5K 160
                                    

□◇◇♡◇◇□

CONNECTION

□◇◇♡◇◇□

Siya na ba ang headmistress? Mukhang nasa middle fourthies na siya ngunit hindi maipagkakaila na nagsusumigaw ang kagandahang taglay niya noong dalaga siya. May pagkakulot ang nakalugay niyang puting buhok. Kapansin-pansin din ang matambok niyang pisngi. She's wearing a long maroon evening gown. Fit na fit ito sa katawan niya kaya makikita mo ang kasexyhan niya. Pero nasaan na ang headmaster?

"Bakit niyo po kami pinatawag?" Ako na ang nagtanong dahil mukhang walang balak magsalita ang mga kasama ko.

"Gusto ko lang makasigurong maayos ang lagay niyo." She smiled. Bakit naman hindi 'di ba?

"Maayos naman po! Namamangha nga kami sa bawat makita namin dito!" nakangiting sambit ni Dara.

"Kayo na po siguro ang headmistress!" sabat ni Val nang nakangiti.

"But where's the headmaster? Secretary Verna said na kayong dalawa ay gusto kaming makausap?" tanong ni Winzé. Siya lang talaga ang may kayang magtanong niyan!

"Nakaalis na siya bago pa kayo makarating. Sayang nga't hindi niyo siya naabutan," malungkot na sambit niya. "And yes! I am the headmistress. My name is Locreina Thwaits. And the headmaster is none other than my twin brother! Locxdeil Thwaits!"

Hindi lang magkapatid kung hindi magkakambal pa ang headmaster at headmistress!

"Ang cool! Sayang hindi po namin siya naabutan!" sambit ko.

"It's okay my dear... May next time pa naman.."

Pagkatapos ng usapan ay umalis na kami roon.

Kairo's POV

"What happened to you, Charlie? Ang harsh mo kay Selendria!" sabi ko sabay akbay sa balikat niya. Marahas niya namang hinawi ito.


"Pero bakit kaya nakapasok siya rito? Normal na tao lamang siya? Hindi ba hindi naman siya tunay na anak ni Sorceress? Kung makakapasok siya rito, dapat kasama niya ang Sorceress!"

"I get your point, Jater! Pero si headmistress na mismo ang nagsabing nagpakita raw ang apat na babaeng 'yon sa pangitain ni Principal Grey. At tama ang nasa pangitain niyang dito mag-aaral ang apat na 'yon."

Crewd Academy: Malediction of Prophecy (PUBLISHED)Where stories live. Discover now