Chapter 56: Preparation

84K 2.9K 640
                                    

□◇◇♡◇◇□

PREPARATION

□◇◇♡◇◇□


Halos mag-alburoto sa galit si Neithan sa nalaman. Napatingin ang lahat sa pinto nang bigla itong bumukas at doon ay nakita nila ang lalaking nakapagpainit ng ulo sa kanila kasama ang dalawang kaibigan nito.

Hindi nakapagpigil si Neithan at agad na sinunggaban si Charlie at pinagsusuntok. Pumutok ang ibabang labi nito ngunit hindi ito lumaban. Parang manhid ito at tinanggap lang ang mga suntok ni Neithan. Agad naman inawat ni Drage at Vendell si Neithan.

"Listen to him first-"

"Isa ka pa, Jater! Matalino ka pero bakit kinukunsinti mo ang bobong kaibigan mo na 'yan?!"

"Neithan!" suway ni Principal Grey sa kaniya.

Ngunit nagulat ang lahat nang mapaluhod si Charlie at napayuko na lang. Parang wala itong lakas para tumayo pa. At doon ay narinig nila ang hikbi nito. Ito ang unang pagkakataon na makikita nilang ganito si Charlie. Ito ang unang pagkakataon na makikita nila itong umiiyak.

"I don't know what to do anymore..." garalgal na sambit nito. Maririnig sa boses niya ang takot.

Mabilis na nagtungo ang Principal kay Charlie at hinawakan ito sa magkabilang balikat. "Don't cry, Charlie! Hindi ito ang Charlie na kilala ko! You should be brave!"

Humarap si Charlie kay Principal Grey. Puno ito ng luha sa mga mata. "I used Selendria as a bait."

Doon ay nagulat ang lahat at hindi nakakilos. Parang biglang bumigat ang atmosphere. Napahawak si Airyn sa bibig niya dahil sa gulat sa nalaman. Hindi nila inaasahan na magagawa ito ni Charlie.

"Bullsh*t!" Hindi maiwasan ni Neithan ang magmura at todo pigil sa sarili niya na hindi masuntok si Charlie.

"Bakit mo ginawa 'yon? Ano ang dahilan mo? Bakit ginamit mo si Selendria?"

Hindi alam ni Charlie kung ano ang isasagot sa Principal. Ngunit kailangan na niyang sabihin ang totoo dahil maging siya ay nasasaktan na lalo pa't isinugal niya si Selendria.

He stood up and let out a heavy sigh. "Chantal Namara is my little sister."

Muli na namang nagulat ang lahat sa nalaman. Parang sasabog na ang utak nila sa mga nangyayari ngayon. Hindi makapaniwala ang Principal sa nalalaman niya ngayon. Una si Avrelle, ngayon naman ay si Chantal.

"Hawak ni Chaos ang Ina at kapatid ko. Pinagbantaan ako ni Ivory. She used my Mother and my little sister to get Selendria. I obeyed what she said because Chaos was torturing my Mother. He's torturing her wife. But she lied to me. Hindi niya binigay sa akin ang Ina at kapatid ko. At ngayon ay hawak na nila si Selendria..."

"Ina at kapatid?" takang tanong ni Airyn. Ngunit parang natulala siya nang may ma-realize. "It means hindi ang King at Queen ng Flamma Kingdom-"

"Yes. I am not the biological son of King Nomer and Queen Thalia Forsyth. Nakuha lang nila ako nang dahil sa hinuli kami ng kapatid ko sa gubat. May nagawa akong kasalanan kaya hinuli nila kami. Pinadala ako sa Flamma Kingdom dahil sa magic na hawak ko. I have two little sisters. I still don't know kung nasaan ang isa na kasunod kong ipinanganak. Sinabi sa akin ni Ivory na si Chantal ang bunso kong kapatid. Habang ang Ina ko ay nakakulong at pinahihirapan ni Chaos dahil may bago na itong asawa. Sherly Namara and Chaos Arsenault is my real parents."

Crewd Academy: Malediction of Prophecy (PUBLISHED)Where stories live. Discover now