Chapter 51: L Tournament Part 2

77.1K 3.1K 242
                                    

□◇◇♡◇◇□

LUMINOUS TOURNAMENT
PART 2

□◇◇♡◇◇□

Biglang nagkaroon ng malaking tinik na kulay purple sa kanang kamay ni Lieyah habang ang isang kamay niya ay nakahawak pa rin sa baba ng red serpentine dahil pinipigilan niya ang bunganga nito na mapaharap sa mukha niya.

Nagulat ang lahat nang bitawan na ni Lieyah ang baba ng red serpentine at nang bumuka na ang bibig ng red serpentine ay sabay niyang itinarak sa loob ng bibig nito ang malaking tinik. Umalingawngaw ang matinis na boses ng red serpentine at umiilaw rin ito na hudyat na maglalaho na ito. Nang maglaho ito ay bumalot ang inis at paghihiganti sa mukha ni Altrina.

Tumayo na si Lieyah ngunit hindi siya nakatakas sa tira ni Altrina gamit ang wand niya. Tumilapon si Lieyah at nakadapang bumagsak sa sahig. Namilipit siya sa sakit at mukhang hindi pa makatayo. Muli na namang nabawasan ng isa ang Life niya. Isa na lang ang natitira sa kaniya.

"Ahhhh!!"

Napatingin ang lahat kay Altrina nang sumigaw ito at napahiga sa sahig. Pinagtutuka pala siya sa mukha ng agila na ngayo'y nakapatong sa mukha niya.

"You bitch!" gigil na sigaw ni Altrina sabay hinampas niya nang malakas ang agila kaya bumalandra ito at tumilapon pabagsak sa sahig.

Galit na tumayo si Altrina at kita sa mukha niya ang dugo at sugat na natamo niya. Inis siyang napatingin sa Life niya dahil isa na lang ito.

Galit na tumingin si Altrina sa agila. "Vehemens Pulsus" sigaw niya at itinutok ang wand niya sa agila.

"Huwag!!" sigaw ni Lieyah nang masaksihan niya ang ginawa ni Altrina. Tumulo ang mga luha ni Lieyah nang makita niya ang guardian niyang nakatingin sa kaniya habang unti-unting naglalaho.

Napapikit na lang si Lieyah dahil ayaw niyang makita ang guardian niya sa ganoong pangyayari. Ang guardian niya ang nagpadama sa kaniya kung ano ang pakiramdam nang may isang tunay na kaibigan...

Muling tumayo si Lieyah at seryosong tiningnan si Altrina na nakangisi sa kaniya ngayon..

"Quits lang tayo. Mas grabe pa nga ginawa mo sa guardian ko. Tss.. Iiyak-iyak ka pa diyan!"

Hindi talaga siya makapaniwala sa mga lumalabas sa bibig ni Altrina. Noon pa man ay ramdam na niya ang masamang pakikitungo nito sa kaniya ngunit pilit siyang nagbubulag-bulagan dahil wala siyang magawa kung hindi sumunod kay Princess Thony.

"Let's end it here..." ngumisi si Altrina. "Locomotor Mortis!" sigaw nito at mabilis na tinutok ang wand kay Lieyah. Tinamaan si Lieyah sa ibabang parte na sanhi nang pagkagapos ng mga paa niya ng itim na tali. Ngunit kasabay naman nito ang pagbalot ng makapal na usok sa kinatatayuan ni Lieyah.

Confusion was written all over Altrina's face. Dahil hindi naman sa kaniya galing ang makapal na usok. Mas lalo siyang ngumisi.

"Pulsus abeo!" Muli siyang tumira gamit ang wand sa kinatatayuan kanina ni Lieyah kahit na hindi niya na ito nakikita ngayon. At sigurado siyang matatamaan pa rin ito.

Crewd Academy: Malediction of Prophecy (PUBLISHED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن