Chapter 26: Show Ability 2

92.2K 3.3K 252
                                    

□◇◇♡◇◇□

SHOW ABILITY PART 2

□◇◇♡◇◇□

Sa kabilang dako naman ay si Kendara na kung saan patuloy ang pagtakbo dahil hinahabol siya ni Drage. Nang malapit nang maabutan ni Drage si Dara ay biglang naging dragon si Drage at tinangay si Dara gamit ang mga paa nito. Kulay asul ang dalawang pakpak nito habang ang buong katawan ay kulay kahel.

Puro sigaw ang tanging nagawa ni Dara. Ngunit tawang-tawa naman ang dragon sa kaniya. Masaya lang si Drage sa himpapawid habang pinagtitripan si Dara.

“Drage!! Ibaba mo na ako! Huhu! Naluluha na ako! Papatayin talaga kita!” Ang dalawang kamay ni Dara ay nakatakip sa mukha niya at mukhang umiiyak na.

“Sorry not sorry! Bye bye!” Bigla niyang binitawan si Dara.

Umalingawngaw ang sigaw ni Dara at mukhang nawalan pa ng malay. Napailing na lang ang dragon at mabilis nitong sinundan ang walang malay na si Dara na nasa ere at patuloy sa pagbaba. Saktong nasalo ng dragon si Dara sa likod niya bago pa ito tuluyang malaglag sa lupa. Lumipad ulit si Drage pataas at mukhang mabagal na ang paglipad niya.

Mukhang nagbalik na rin sa mulat si Dara at nanlaki ang mga mata. Mabilis siyang napahawak sa leeg ng dragon at gulat na gulat na pinagmamasdan ang paligid. Nakabukas din ang kaniyang bibig.

"Wahhh! Drage! Nasaan na tayo?! Ibaba mo na kasi ako!"

"You're lucky dahil libre ang pagsakay mo sa akin."

Napabuga ng hangin si Dara dahil hindi siya makapaniwala sa ganda ng kalangitan. Tila naibsan ang kaniyang takot. Itinaas niya ang dalawang kamay niya at dinama ang hangin na tumatama sa mukha niya. Napapikit siya at napangiti.

Napansin ito ni Drage kaya may naisip itong kalokohan. Biglang bumilis ang paglipad niya na sanhi nang paghawak nang mahigpit ni Dara sa kaniya.

"Wahhh!! Drage! Papatayin mo ba ako!!"

Mabilis pa rin ang paglipad ni Drage ngunit pababa ito. Nakarating sila sa isang parte ng gubat na kung saan walang tao. Bumagal ang lipad ni Drage hanggang sa bumaba na ito sa lupa.

Napabuntong hininga si Dara na halos maduwal na.

"What are you waiting for? Ayaw mo pa bang bumaba?"

Dara rolled her eyes. "Pagkatapos mo akong pagtripan na parang katapusan ko na, walang hiya ka!" sigaw niya bago dahan-dahang bumaba.

Pinagmasdan ni Dara ang dragon na si Drage.

"Pero nakakamangha lang! Totoo pala ang dragon! Hindi ako makapaniwala!" Lumapit siya sa mukha ni Drage at hinawakan ang mukha nito. Hindi makapaniwala si Dara na may kaharap siyang isang dragon.

"Touching my handsome face is not free."

Imbes na matawa si Dara ay kabaligtaran ang naramdaman niya. She suddenly felt nervous without any reason. Parang may nakamasid.

"Dara, hide yourself!"

Dara followed what he said. Tumakbo siya at tumabi sa isang puno na hindi kalayuan kay Drage. Ilang sandali pa ay nagulat si Dara dahil may lumabas mula sa mga dahon sa kabilang dako. Dara's eyes grew wider.

Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa mga papalapit. Hindi alam ni Dara kung anong klaseng hayop sila. Mukha silang wolf na malaki ang katawan at marami ang mga pangil. Malalaki at nakalabas sa bibig ang mga pangil nila. Patusok-tusok din ang mga balat nila. Kulay itim ang buong katawan nila at kulay pula ang mga mata nila. Matutulis at mahahaba ang mga kuko.

Crewd Academy: Malediction of Prophecy (PUBLISHED)Where stories live. Discover now