Chapter 43: Memories Back

87.5K 3.1K 794
                                    

□◇◇♡◇◇□

MEMORIES BACK

□◇◇♡◇◇□

"Bakit ba ayaw mong maniwala?" mahinang tanong niya dahil baka may makarinig sa kaniya.

Gabi na at panigurado akong natutulog na sila. Nakaupo ako ngayon sa kama at prenteng nakaupo naman si Infires Men sa sofa. Habang si Faye ay nasa tabi ko at kumakain ng cookies.

"Sino ba'ng maniniwala sa sinabi mong ikaw ang itim na dragon na nanggaling sa likod—"

"Tama siya, Sendy.. Siya ang alaga mo.." sabat ni Faye at mukhang sarap na sarap pa sa kinakain.

"See?" pang-aasar niya.

Naguguluhan man ay parang nagiging malinaw na rin sa akin. Ang sabi niya ay siya ang guardian ko.

"Totoo bang Royal Guardian ka?" nag-aalangang tanong ko. Baka pinagtitripan niya lang ako!

"Hindi kita pinagtitripan. Royal Guardian nga ako, ba't ba ang kulit mo?" iritang tanong niya na parang makakasapak na.

"Eh kasi, ang sabi 'di ba para lang sa Luminus Princess—"

"Oo nga," putol niya sa sasabihin ko sabay hikab.

Bumilis bigla ang paghinga ko at biglang kinabahan. "Hindi nga kita guardian—"

"Maluwang ba ang turnilyo sa utak mo at hindi mo maintindihan ang sinasabi ko?"

Mabilis akong bumaba sa kama at hinarap siya. "Bakit hindi mo kasi ako diretsuhin nang sa gayon ay malinawan ako!"

Humikab ulit siya. "Hay.. Bahala ka na, matutulog na ako."

Napahawak ako bigla sa ulo ko nang maramdamang kumirot ito. Parang may lumilitaw na pangyayari sa utak ko. Ang gulo-gulo!

"Sendy! Ayos ka lang?!" sigaw ni Faye.

Parang.. parang nasa malawak na lupain ako at maraming kabayo! Matatanaw din ang puting kaharian na nababalutan ng niyebe. Ito 'yomg nakita kong kaharian sa panaginip ko dati! Hindi ako nagkakamali! Ito 'yon! Ngunit mas maraming puno at maraming paru-paro ang lupain na ito.

"Sendy?! Sumagot ka! Huhu!"

May dalawang bata na babae at lalaki. Naglalaban sila gamit ang espada. Mukhang tuwang-tuwa ang batang babae habang ang lalaki naman ay nakasimangot at nakakunot ang kilay. Hindi ko maaninag ang mukha nila!

"Hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nananalo sa akin, Prince Charlie! Haha!"

Nagulat ako sa sinabi ng batang babae. Prince Charlie?! Hindi kaya si Charlie ang tinutukoy niya?!

Ngunit mas lalo akong nagulat nang makita ko ang mukha ng batang babae.... Kamukha ko siya... Kamukhang-kamukha ko siya! Nakita ko na rin ang mukha ng batang lalaki at masasabi kong kamukha siya ni Charlie! Naguguluhan na ako!

Crewd Academy: Malediction of Prophecy (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon