Chapter 47: Training Part 2

82.3K 3.1K 437
                                    

□◇◇♡◇◇□

TRAINING PART 2

□◇◇♡◇◇□

SOMEONE'S POV

"Gusto kong makausap ang Nox Emperor.." sambit ko nang harangin ako ng mga kawal gamit ang mga hawak nilang trident. Alam kong mapanganib 'tong gagawin ko. But I have no choice! Desperada na 'ko!

"Papasukin niyo siya!" rinig kong sigaw ng Nox Emperor.

Sumunod naman ang mga alagad niya at pinadaan ako.

Pagkalapit ko ay nadatnan ko siyang nakaupo sa trono niya habang umiinom ng wine.

"Bakit ka narito? Akala ko ba ay hahayaan mo ang kapatid mong maging alipin dito?" sarkastikong tanong niya at bahagyang natawa. Nakakainis lang kung bakit hindi ko mabasa ang iniisip niya.

"Sasabihin ko ang nalalaman ko.."
Napaayos siya ng upo at parang naging interesado sa kung ano'ng sasabihin ko.

"Ngunit kapalit iyon ay papalayain niyo ang kapatid ko!"

Tumawa ito na parang nababaliw na ako.

Tahimik lang naman kaming namumuhay sa Magustic Town noon ng kapatid ko. Ang kapatid ko ang kusang pumunta rito sa pag-aakalang mas gagaling pa siya. Tutol ako sa kaniya ngunit wala akong nagawa! Nalaman ko na alipin lang siya rito!

Kaya naglakas loob akong nag-aral sa Crewd Academy para matuto at umisip ng paraan kung paano ko maiaalis ang kuya ko rito. Ipinangako ko 'yon sa sarili ko! Alam kong mali 'tong ginagawa ko pero wala na akong ibang paraan pa!

"Ano ang nalalaman mo?"

Napalunok muna ako. "Kilala ko ang Luminus Princess."

Tumalim naman ang mga tingin niya sa akin. Nagitla ako nang marinig ang nabasag na baso galing sa kamay niya. Dumaloy ang dugo roon at nahalo sa wine na pumapatak ngayon sa sahig.

"Sino ang Luminus Princess?!" Maririnig sa boses niya ang galit at pangigigil.

"Pakawalan niyo muna ang kapatid ko."

Tumayo ito sa mula sa trono niya. Biglang nangatog ang mga binti ko.

"Sino ang Luminus Princess?!" tanong ulit nito habang papalapit sa akin. Pumapatak sa sahig ang dugo niya na galing sa kamay niya.

Hindi ako nagpatinag. "Pakawalan niyo muna ang kapatid ko! Sasabihin ko kung sino—"

Nagulat ako nang maglaho siya at biglang nasa harap ko na. Hawak-hawak niya nang mahigpit ngayon ang leeg ko gamit ang kamay niyang may dugo. Nahihirapan na rin akong huminga! Hindi ko inaasahan na mangyayari ito!

"Sasabihin mo kung sino ang Luminus Princess kung gusto mong makaalis dito ng buhay!" madiing sambit nito sa mukha ko.
Gusto kong maiyak. Hindi ako nag-iisip! Bakit ako gumawa ng hakbang na hindi planado?! Takot na takot na ako!

"Nag-aaral siya sa Crewd Academy.. Iyon lang ang alam ko—"

Mas diniinan niya ang pagkakahawak sa leeg ko at hindi ko na napigilan ang mga luha ko na pumatak at mapapikit na lang. Anumang sandali ay pwede akong mamatay!

"Se-selendria! I-Iyon ang pangalan niya!"

Pabagsak niya akong binitawan kaya napadapa ako sa sahig at hindi ko napigilan na mapahagulgol. Patawarin mo 'ko...

Crewd Academy: Malediction of Prophecy (PUBLISHED)Where stories live. Discover now