Chapter 25: Show Ability 1

89.7K 3.4K 262
                                    

□◇◇♡◇◇□

SHOW ABILITY PART 1

□◇◇♡◇◇□

Naramdaman ko na lang na parang bumagsak ako sa mababaw na parte lang ng lupa. I opened my eyes and scanned the whole place.

"Ligtas tayo, Sendy!" masayang sambit ni Faye na nasa mismong mukha ko. Nagbalik pala kami rito sa school ground.

I don't know how did we get here. Ang alam ko lang ay dahil sa spell na narinig ko sa isip ko. Pero hindi pa rin matanggal 'yong kaba at takot sa nangyari. I thought.. that would be the end.

"Iniligtas tayo ni Avrelle.." bulong ko. Parang ayaw pa rin gumana ng utak ko. Iniisip ko kung totoo ba ang nangyari.

"Huh? Akala ko ikaw ang may kagagawan no'n kaya napunta tayo rito? Ano ba ang ginawa mo bakit tayo napunta rito?" naguguluhang tanong ni Faye.

I looked at her confusedly. Ibig sabihin, ako lang ang nakarinig sa spell na ginamit ni Avrelle? Bakit ako lang? But why did she do that? What could be the reason?

"Wala na ang bisa ng potion, Sendy..." aniya habang nakatingin sa akin.

I looked at myself. Wala na nga. Mabuti na lang at ngayon pa lang nawalan ng bisa ang potion. Kung hindi, lagot ako kay Ivory kung nakita niya ako kanina at kapag nalaman pa niyang ako si Selendria!

"Tumayo ka na, Sendy! Pinagtitinginan na tayo."

Napatingin ako sa paligid. May mga nakatingin nga at nagbubulungan pa. Ano ba pakialam nila? Ngayon lang ba sila nakakita nang nakaupo sa damuhan?

Nang makabalik na kami ni Faye sa dorm ay nadatnan namin ang mga nag-aalala nilang mukha. Hala oo nga pala! Tapos na ang klase nila! Lagot na! Siguradong uulan ng mga tanong.

"Oh my gosh! Where have you been, Sendy?! Pinag-alala mo kami!" sambit ni Airyn habang nakahawak sa noo. Maybe it was because of me that she had a headache. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Ano ka ba naman, Sendy! May sakit ka na't lahat, saan ka pa nagpupunta?" sermon sa akin ni Val. Napayuko ako sa kahihiyan. Hindi ko naisip na marami pala ang mag-aalala sa akin.

"Baka siya si Dora The Explorer?" sabat naman ni Dara.

"Shut up, Dara!" madiing sabi ni Winzé.

"Sino si Dora The Explorer?" takang tanong ni Zyrelle kay Jhane.

"Aba! Malay ko!"

"'Di niyo kilala 'yon? Haha! Wala pala kayong childhood memories, eh!" tatawa-tawang pangungutya ni Dara. Aba't ba't napunta sa usapan kay Dora?!

Crewd Academy: Malediction of Prophecy (PUBLISHED)Where stories live. Discover now