Chapter 57: Bloody War Part 1

85.5K 2.9K 1.7K
                                    


□◇◇♡◇◇□

BLOODY WAR

PART 1

□◇◇♡◇◇□


Naghanda ang lahat ayon sa utos ni King Daryll. Hindi naman mapakali si Queen Lucia at kabado ito para sa anak. Alam na nila ang lahat ang totoo. Pinaliwanag lahat ng Principal ang lahat ng nalalaman niya. Pati na ang totoong katauhan ni King Daryll. Pati si Jhane ay humingi ng tawad ngunit mapaparusahan pa rin siya dahil sa ginawa niya na tanggap naman niya dahil nailigtas naman niya ang kapatid niya.

Nakaluhod at nakayuko ngayon si Charlie sa harap ng Hari.

"Death should be the punishment for what you did. But since you are the true heir of Luminous Nieves Kingdom, my only request is that I want you to save my daughter."

Napatingala si Charlie. Nakita niya ang sensiridad sa mga mata ng Ama ng babaeng pinaka-mamahal niya.

"Kahit hindi niyo hilingin ay gagawin ko. Baka hindi ko kayanin kapag nawala siya. I might kill myself."

Tumango ang Hari at hinawakan sa kanang balikat si Charlie. "Patawad kung dahil sa akin ay nagkaganito ang kapalaran ng Ama mo. Sana ay maayos pa ang gulong ito."

Bumukas naman ang pinto ang pumasok ang mga Royal Nieves Army. "Kamahalan, natipon na namin ang mga army sa iba't ibang kaharian. May nag-volunteer na rin na mga magagaling na archer sa iba't ibang syudad. Sila ang magsisilbing look out sa paligid."

Nagulat naman ang lahat nang dumating ang hindi inaasahang bisita. "Bakit hindi yata kami na-inform?"

"Ma'am Arah? Sorceress Lavender?" gulat na tanong ni Drage.

Sa huling pagkikita nila ay hindi maganda ang nangyari kaya bakit nandito sila ngayon?

Agad namang nagtungo si Sorceress Lavender kay Principal Grey at masayang niyakap ito. "Long time no see, Bespren!"

"Gumawa ka pa ng kwento sa mga bata," natatawang sambit ni Principal Grey. Humagikgik naman si Lavender.

"Hindi ka pa ba nasanay diyan," nakangiting sambit ni Ma'am Arah.

"Hindi po kayo magkaaway?" naguguluhang tanong ni AIryn. Umiling naman si Principal Grey.

"Una pa lang na makita ko ang dalagang 'yon ay naramdaman kong may kakaiba sa kaniya. Hindi ako nagkamali," seryosong sambit ni Ma'am Arah.

"Kailangan na natin magmadali," sabat ni Avrelle. "Sigurado akong nagsisimula na silang gumawa ng orasyon para makuha ang magic ni Sendy. At kilala ko si Ivory... may chance na mapatay niya si Sendy."

Napalunok ang karamihan. Buhay ni Sendy ang nakasalalay rito.

"Magsihanda na kayo! Kung ayaw niyong mamatay, kayo ang pumatay! Kailangan manaig ng kabutihan sa kadiliman. Nadungisan man ang kabutihan, maibabalik natin ito kung magtutulungan tayo. Ngayon gabi ay dadanak ang mga dugo. Huwag natin hayaang manaig ang kadiliman!"

Umayon ang lahat at nagsaludo naman ang mga Royal Nieves Army.

Ngayon gabi ay mangyayari ang madugong labanan.

***

Sakay ng mga Nieves Dragon ang mga Hari at Reyna na naka-suot ng mga armor habang binabagtas ang madilim at masukal na kagubatan papunta sa Tenebrae Nox Castle. At ang iba kagaya nina Airyn ay sakay ng mga kabayong pandigma. Maririnig ang mga yabag ng mga kabayo sa gitna ng kagubatan. Pati na ang mga ungol ng mga dragon sa himpapawid.

Crewd Academy: Malediction of Prophecy (PUBLISHED)Where stories live. Discover now