Chapter 32: Lavender

85.3K 3.1K 170
                                    

□◇◇♡◇◇□

LAVENDER

□◇◇♡◇◇□



Tinira pa ni Winzé 'yong snow monster at natibag din ito. May nabuo na namang snow monster ulit! Ngunit ang mahirap ay dumadami sila!

Hinawakan ni Winzé ang kamay ko. Paatras kami nang paatras dahil hindi nakakayanan ni Winzé na patumbahin ang isang snow monster sa iisang tira lang.

May bigla naman akong naalala. 'Yong mga spell na nabasa ko sa libro ni Mama noon!

"Emoveo!" sigaw ko habang nakatingin sa kabilang banda na kung saan nandoon ang snow monster na papalapit na sa amin.


Nagulat naman ako dahil gumana nga! Malakas na tumalsik ang snow monster sa isang puno na sanhi nang pagkalusaw niya.

Mukhang nagulat din si Winzé sa ginawa ko. "You can cast a spell?!"


Bago pa ako makasagot sa kaniya ay bigla siyang hinablot ng isang snow monster! Nabitawan pa niya ang wand niya! Nanlaki ang mga mata ko at hindi alam ang gagawin dahil sumisigaw si Winzé! Natataranta na ako!

Nakita ko ang wand ni Winzé kaya mabilis ko itong pinulot. Nanlaki ang mga mata ko dahil balak yatang kainin ng snow monster si Winzé dahil nilalapit na niya ito sa bunganga niya! Ginagalit niyo ako, ah! Humanda kayo!

Mabilis kong tinutok ang wand sa snow monster. "Accendo!" Nang matamaan ang snow monster ay ilang segundo ang tinagal bago ito sumabog sa loob.

"Winzé!" sigaw ko dahil mahuhulog na siya!

Akala ko ay tuluyan na siyang mahuhulog ngunit agad namang nakaantabay ang dragon na si Drage at naisakay niya agad ito sa likod niya. Mukhang hindi na nakasakay si Jater sa dragon.


Binugahan naman ni Drage ng apoy ang mga natira pang snow monster kaya naliliyab na ang mga ito at unti-unting nalulusaw. Hindi na sila makalaban pa. Tanging ang mga daing nila ang maririnig mo.


May bumulagang snow monster sa harap ko kaya hindi agad ako nakagalaw. Ngunit nagulat ako nang may humablot sa akin kaya napahawak ako sa dibdib niya. Narinig ko na lang ang pagdaing ng snow monster na galing sa likod ko.

Parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi malaman na dahilan. Ang tanging naaamoy ko ay ang pabango niya. Parang mapapaso ako sa init ng katawan niya. Unti-unti kong tinaas ang ulo ko at naaninag ang taong nakayakap at nakadungaw sa akin ngayon.

Hindi ako makapaniwala. "C-Charlie?"

Halatang pagod siya dahil sa mabilis niyang paghinga. Ako lang ba pero bakit nararamdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya? Mapupungay ang mga mata niya. Parang bigla akong natutula sa mga mata niya. Napagmasdan ko ito at parang nagkakaroon ng electric blue ang itim na parte ng mata niya!

"Selen!"

Nabigla ako sa tumawag kaya medyo naitulak ko si Charlie. Nakita ko kung paano nagbalik ang usual na expression ni Charlie. Okay na sana kanina, eh.

Crewd Academy: Malediction of Prophecy (PUBLISHED)Where stories live. Discover now