Chapter 1: Promotion

37.4K 513 11
                                    

"Congratulations!!!" Sabay-sabay na sigaw ng mga kasamahan ko sa trabaho. Ang lakas lang makatili, medyo sumakit pa ang tenga ko.

"Thank you, guys. Nag-abala pa talaga kayo." Pasasalamat ko sa kanila bago ihipan ang cake.

Nandito kami ngayon sa isang KTV Bar, we're celebrating my promotion. Mga ka-close ko lang naman sa company ang naririto. Si Meryl at Lucy na sa Internal Audit naka-assign at sina Menchu, Bridgette, Brenda, Erick at Luis na kasamahan ko sa Marketing Department. Wala akong ideya na may pa cake pa pala, akala ko ay inuman at kantahan lang ang meron.

"Ano ka ba friend, wala 'yun. Ililibre mo naman kami pag natanggap mo na ang unang sweldo mo as a Marketing Head." Turan ni Bridgette.

Aba! Hindi ko pa nga natatanggap ang sweldo ko may nakaabang na palang gastusin.

"Oo nga, treat mo kami kasi mas malaki na ang swiswelduhin mo, girl." Sabi naman ni Erick na may kasamang pilantik pa ng kamay. Bakla talaga!

"Oo na, ako na ang gagastos sa susunod. Basta hindi palagi at baka mamulubi ako kakalibre sa inyo." Natatawa kong sagot.

Ganyan naman talaga sa amin eh, kung sino yung nakakaluwag yun ang nanlilibre.

"At dahil dyan, ikaw ang unang kakanta, Zareen!!!" Bigla hiyaw naman ni Meryl.

Sabi na nga nga ba, ganyan talaga yang mga kaibigan ko masyadong natutuwa sa ganda ng boses ko.

Mga tatlong beses akong kumanta gamit ang mala-anghel kong boses, honest po ako. Pero yung totoo, sa aming walo ay si Brenda yung singer talaga kaya sa kanya na nakatuka ang mga pangbirit habang kumakain at nag-iinuman naman kaming pito.

The celebration was fun. Masaya kasing kasama itong mga kaibigan ko.

Mga bandang alas onse ng gabi nang nagkakaaya-an ng umuwi. Unang nagpaalam si Lucy dahil kahit sa edad niya ay may sinusunod pa rin itong curfew, only girl eh.

"Sabay na ako, Lucy. Para makamura na ng pamsahe." Saad naman ni Brenda. Malapit lang kasi ang sa kanila kaya kalimitan sila ang sabay na umuwi.

"Sige, ingat kayo." Saad ko sa dalawa.

"Uwi na rin siguro tayo, alas-onse na rin." Sabi naman ni Meryl.

We decided to call it a night. Pagod din kasi galing sa trabaho, buti nalang linggo bukas kaya walang pasok at makakapag-beauty rest kaming lahat.

"Sabay kana sa akin, Zareen?" Tanong ni Menchu nang makalabas kami ng KTV Bar, malapit lang din kasi yung apartment na inuuwian niya sa apartment ko.

"Hindi na at uuwi kasi ako ngayon sa amin. Alam mo na celebration with the family." Sagot ko.

Linggo din kasi bukas kaya napag-planuhan ko ang umuwi sa amin para mabisita na rin sila sa bahay. Miss ko na rin ang mama at papa, pati na yung gwapo kong kapatid. Mga dalawang buwan na rin akong hindi nakaka-uwi dahil naging busy sa trabaho. Tini-train kasi ako ni Ma'am Malou para sa iiwanan niyang trabaho.

"Ganun ba? Sige, ingat sa pag-uwi." Paalam ni Menchu at sumakay na sa naparang taxi.

Sina Luis, Erick at Meryl ay sabay na rin umuwi dahil malapit lang yung tinitirhan nila. At si Bridgette na sinundo na ng boyfriend niyang si Steven.

Hindi ako nakasakay agad dahil wala masyadong naghahatid na taxi patungo sa amin, maaarte kasi ang mga tsuper. Medyo malayo din kasi sa amin. Mga isang oras lang naman kung hindi maabutan ng bagal ng traffic at dalawa kung mamalasin.

"Sa'n na 'yong payong ko?" Natanong ko sa sarili nang mapansin kong hindi ko pala dala yung payong ko. Hindi pa naman ako lumalabas ng bahay na walang payong na dala dahil takot ako sa skin cancer at sigurado akong dala ko 'yon bago pumunta dito sa KTV Bar.

Stay Away (COMPLETED)Where stories live. Discover now