Chapter 14: Can't Be

18K 253 3
                                    

Tahimik sa sasakyan, hindi siya nagsasalita at ganun din ako. Nagtataka nga rin ako at hindi niya tinatanong kung saan ako nakatira. Napaisip tuloy ako kung baka naman alam niya dahil nga may binabalak siya sa akin. 'Yung balak kuno daw niyang pagpapa-fall.

"Rustin, hindi ito ang daan pauwi sa amin." Saad ko nang mapansin na hindi na kalye patungong apartment ko kami dumaan.

May balak ba siyang masama? Kukunin niya ba ang pinaka-iingatan kong puri? Alam kong gwapo siya at yummy, pero no way! Naniniwala ako sa marriage before sex.

"Hoy! Sumagot ka! Ibaba mo ako, hindi ako sasama sa'yo. Mali iyong inaakala mo, hindi ako ganung klaseng babae. Ibaba mo ako! Ibaba mo ako sabi eh!" Sigaw ko sa kanya.

Inihinto niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Bababa na sana ako nang magsalita siya.

"What are you talking about? Anong masamang binabalak yang pinagsasabi mo?" Inis na may halong pagtataka niyang tanong.

"Magmamaang-maangan ka pa? Akala mo hindi ko alam kung ano ang binabalak mo? Nagpanggap ka pang ihahatid ako sa pag-uwi pero ang balak mo naman talaga ay-" Hindi ko naman mabanggit ang bagay na 'yon.

"Ano?"

"Basta 'yun na 'yun. Hindi ka naman siguro slow." Inis kong turan.

"I really don't know what are you talking but gutom na ako. At sa ayaw at sa gusto mo, you will eat dinner with me and after that ihahatid na kita sa tinutuluyan mo." Sabi niya at pagkatapos ay pinaandar muli ang sasakyan.

"Kakain tayo? Doon yung punta natin?" Nahihiya kong tanong.

"Yes." Tipid niyang sagot.

So, kakain lang kami ng hapunan? Wala siyang balak na masama at hindi niya kukunin ang puri ko? Nag-assume ako ng mali? Nakakahiya! Buti nalang pala hindi ko nabanggit ang censored part sa kanya.

Sa ayaw daw at sa gusto ko, kaya wala akong karapatan tumanggi? Boss ko siya pero lagpas na ng working hours kaya dapat ako na ang may karapatan sa oras ko. Sinuswerte naman yata siya kung mapapasunod niya lang ako ng basta-basta.

"Ihatid niyo nalang ho ako. Hindi po ako sasama sa dinner niyo."

"Huwag ng matigas ang ulo, Zareen. Sasamahan mo ako, period." Saad niya na sa daan pa rin nakatingin.

"Hindi na po talaga at sa pagkaka-alala ko po ay hindi naman kasama sa trabaho ko ang samahan kayo sa pagkain." Pagmamatigas ko.

"Can you just follow what I told you? Yung wala ng bangayan na mangyayari at excuses?" Frustrated niyang tanong.

"Hin-" Pinutol niya agad ako.

"Pag hindi ka pa tumigil sa kakareklamo dyan, hahalikan na talaga kita." Seryoso nitong saad.

Dahil sa sinabi niya ay bigla kong naitikom nang madiin ang bibig ko. Hahalikan niya ako? Ganun na ba ang bagong paraan sa pagpapatahimik ng tao? Kasi kung 'yun na nga ay masyadong effective.

Napaisip tuloy ako kung anong klaseng halik ang ini-oofer niya. Smack? Passionate? Torrid? French? Hindi ko nga alam kung anong pinagka-iba niyan maliban sa smack.

Masarap kaya siyang humalik? Mag-ingay kaya ako para may kiss? Tigilan mo ako malanding isip! Saway ko sa sarili.

"Natahimik ka rin." Nakangisi nitong saad. Hindi nalang ako umimik.

Hindi rin naman kami masyadong natagalan at huminto na rin ang sasakyan niya sa harap ng isang mamahaling restaurant.

"Sandali lang, Rustin. Dito tayo kakain?" Tanong ko.

Stay Away (COMPLETED)Where stories live. Discover now