Chapter 19: No Escape

17.2K 278 3
                                    

Nang nag-lunes ay hindi ko nagawang pumasok. How could I? Ni halos di na makita ang mata ko sa mugto. Wala pa ngang 24 hours matapos yung nangyari sa balcony at hindi ganun kadali ang mag-move on lalo pa at tinamaan ka talaga ng lintek.

Nang makauwi ako nung gabi galing sa party ay iyak ako nang iyak. Kahit ako ay oa'ng-oa na sa sarili ko. Imagine, ni hindi naging kami at ilang buwan ko palang siyang nakilala pero kung makangawa ako parang five years kaming mag-on.

Dahil hindi rin ako dinalaw ng antok ay nauwi ako sa panunuod ng movie. And again, iyak na naman ako nang iyak. Nanuod lang naman ako ng The Notebook for the 6th time.

Nang magising kinaumagahan ay diretso ako sa panunuod ng movie ulit. Nasa sala ako at nanunuod ng Miracle in cell no.7 nang tumunog ang cellphone ko. Wala akong idea kung sino yung tumawag kasi nag-call in sick na naman ako kaninang umaga. I accepted the call without reading the caller's name in the screen.

"Hello?" Sagot ko gamit ang paos na boses.

"Zareen, umiiyak ka ba?" Agad na bungad ng tumawag.

"Nanunuod ako ng Miracle in cell no.7. Ba't napatawag ka, Char?" si Charmaine pala ang tumatawag.

"Tsk tsk kaya naman pala. Birthday ni Lester ngayon, nagyayaya mag-bar mamayang gabi. Ano, call?" Halata sa boses niya na excited siya.

Si Lester ay isa sa mga malapit namin na classmate nung college. Ikinasal siya sa pinsan ni Charmaine mga apat na buwan na ang nakararaan kaya kahit medyo busy ay may komunikasyon pa rin kami sa lokong 'yon.

"Sa dati ba?" Tanong ko.

"Yup, doon pa rin. So ano, okay ka?"

"Oo, call me in." Sagot ko.

"Sige, inform ko na sila. Kita-kita nalang tayo dun mga 7:30pm, babye." Paalam niya at binaba na ang tawag.

Mainam siguro na magsaya ako kahit mamayang gabi lang. Tutal at hindi naman ako pumasok kaya hindi ako pagod galing sa trabaho. Baka makalimutan ko rin panandalian tong mga gumugulo sa isip ko at mas maganda rin kung may iba akong pagkaabalahan.

Binuhos ko na ang lahat ng luha ko sa kaiiyak sa panunuod ng movies. I washed all my saddness with tears because tonight, I intend to enjoy.


__________


Alas syete-kinse palang ay dumating na ako sa bar na pag-aari ni Lester. Dalawang taon palang nakalipas ng grumadweyt kami sa kolehiyo ay nakapag-tayo agad siya ng sarili niyang business. Well, hindi na naman schocker sa amin 'yun kasi may kaya naman talaga ang pamilya niya, mas pinili nga lang niya ang mag-sarili kaysa magtrabaho sa kompanya ng magulang niya.

Madalas kami rito sa bar niya lalo na yung bago niya pa itong napatayo at madali pang hagilapin ang barkada. Lahat yata samin ay nakapag-celebrate na ng birthday dito.

"Good evening, ma'am." Nakangiting bati sa akin ng guard.

"Good evening din ho." Nakangiti ko ring sagot bago pumasok.

Kilala na kami ng guard na 'yon. Simula ng operasyon ng bar ni Lester dalawang taon na ang nakaraan ay siya na talaga ang guard sa may entrance. Mabait kasi si manong kaya rin siguro nagtagal siya sa trabaho rito.

Nang makapasok ay agad na bumungad sa akin ang loob ng bar na maraming customers. Kahit lunes ay marami pa ring parokyano ang lugar dahil na rin sa magandang serbisyo, masarap na pagkain at inumin, at magandang musika. Pormal din at pang-mayaman ang bar, siguro nga kung hindi ko lang kaibigan ang may-ari ay never akong papasok dito dahil sa mahal. Kadalasan ng customers nila ay yung mga professionals at businessmen na may kaya sa buhay talaga.

Stay Away (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon