Chapter 37: The Reason

15.5K 212 10
                                    

I woke up feeling weak.

Nang maibuka ko ang mga mata ko ay bumungad sa akin ang puting paligid. Kulay at amoy palang ay alam kong nasa ospital ako. Hindi naman siguro ako makakaramdam ng panghihina kung nasa langit na ako at tuluyang naging angel, diba?

Bumangon ako nang bahagya at umupo sa kama. Nilibot ko ang aking paningin sa kabuohan ng silid at nalamang walang ibang tao kundi ako lang. Nagtaka ako kung bakit sosyalin ang hospital room because as far as I know, hindi ko naman afford ang ganitong kwarto. Ang huli ko lang naalala bago ako mawalan ng malay ay nasa harapan ako ng shop ni Sissy Manalo. Hindi ko alam kung paano ako napunta rito at sino ang nagdala sa akin.

Ngunit ang pagtatakang iyon ay nasagot ng mula sa maliit na pinto sa kaliwang bahagi ng kwarto na tingin ko ay ang C.R. ay lumabas si tita Clara. Nang makita niya akong gising na at nakatingin sa kanya ay biglang lumiwanag ang kanyang mukha.

"Mabuti at gising ka na, anak. Humiga ka muna at kailangan mong magpahinga." Nakangiti nitong saad.

Nang makalapit sa kama ay inalalayan niya akong humiga ulit. Dahil na rin sa hiya ay hindi na ako nag-matigas pa.

Hindi ko alam kung wala bang ideya ang mama ni Rustin na wala na kami ng anak niya. Kasi kung ako ang nasa kalagayan niya ay hindi ko magagawang ngumiti sa babaeng nanakit sa anak ko at nang-iwan na wala man lang konkretong dahilan.

Guilty. Sobrang guilty ako kay tita dahil sa kabaitang pinakikita niya samantalang hindi ko naman ito deserve.

"You want water? Gutom ka na ba?" Tanong niya.

"T-tubig." Nahihiya kong sagot.

Binigyan niya uli ako ng malawak at matamis na ngiti bago tumalikod at kumuha ng tubig sa maliit na mesa sa may gilid ng kama.

"Here."

Agad kong inabot ang baso ng tubig at inimom ito ng isang tunggaan. Feeling ko ay isang araw akong naglakad sa desyerto dahil sa uhaw na nararamdaman.

"S-salamat po."

Kinuha ni tita ang basong wala ng laman at nagpaalam para tawagin ang doktor ko. Naiwan ako mag-isa sa kwarto ng mga limang minuto bago dumating si tita Clara kasama ang babaeng doktor na tingin ko'y kasing edad lang din niya at isang babaeng nurse na kasing edad ko lang din yata o mas matanda sa akin nang konti.

"Hello, Mrs. Razon. Isti-check lang po natin ang mga vital signs mo."

Bigla akong nakaramdam ng sobrang hiya sa tinawag sa akin ng doktor. Tinawag lang naman niya akong Mrs. Razon sa harap mismo ng tunay na Mrs. Razon. Hindi ba na-orient ang doktor na 'to na hindi ko naman asawa si Rustin? Ni hindi ko na nga rin yun nobyo.

Dahan-dahan akong tumingin sa gawi ni tita Clara para makita ang reaksyon niya tungkol sa pagtawag sa akin ng doktor bilang Mrs. Razon ngunit gaya kanina ay maaliwalas pa rin ang mukha niya at parang wala rin siyang problema sa itinawag ng doktor sa akin.

Masyado akong naguguluhan sa sitwasyon. Napaisip ako na baka naki-usap si Rustin sa mama niya na maging mabait sa akin sa kabila ng pakikipaghiwalay ko at kumbinsihin ako na balikan siya gamit ang mama niya. Alam niya na gusto ko si tita kaya baka yun nga ang dahilan.

Dahil na rin sa dami ng mga gumugulo sa isip ko ay hindi ko napansin na tapos na pala sa pag-check ang doktor sa kung anu-ano sa katawan ko.

"Okay naman yung mga signs niya pati yung blood pressure. The patient just need to rest. There's nothing to worry about, Mrs. Razon." Rinig kong paliwanag ng doktor kay tita.

Kapwa sila nakangiti kaya mas lalo akong nagtaka. Hindi ba nalaman ng doktor na may taning na ang buhay ko? Paano niya naman nasasabi na 'there's nothing to worry about'? Hindi ba talaga nakaka-worry yung malapit ka nang mamatay?

Stay Away (COMPLETED)Where stories live. Discover now