Chapter 3: Sir Monster

24.7K 379 8
                                    

"Ay bongga! May pabulaklak." Bulalas ni Menchu ng may isang delivery boy na naghatid ng isang boquet ng bulaklak para sa akin.

Nagkataon kasi na nandito siya sa opisina ko dahil sa paghahatid ng monthly report. Agad ko namang pinirmahan ang acknowlegement at tinanggap ang bulaklak.

Today is Valentines Day, and I already had an idea who sent this flowers.

"Thank you, ma'am." Paalam ng delivery boy.

"Basahin mo na, Zareen. Kanino galing?" Atat na sabi ng kaibigan ko.

Hindi naman halata na excited pa siya kaysa sa akin.

"Kay Jerome." Walang gana kong sagot. Hindi din naman ako nabigla kasi siya lang naman ang nagpapadala sa akin ng bulaklak. Ang iba sumuko na, siya lang talaga yung malakas ang apog at ayaw patinag.

"Ang sweet naman ni papa Jerome."

"Sweet? Kayo nalang kaya? Halatang gusto mo yung tao. Gusto mo maging tulay pa ako eh." Naiirita kong turan.

Hindi ko na kasi maintindihan ang lalaking 'yun. Ano bang mahirap intindihin sa hindi ko siya gusto at tigilan na ang panliligaw dahil kailanman ay hindi ko siya sasagutin?

I gave him the chance naman pero talagang walang spark. Hindi ko din talaga maatim na sobrang puti niya, mas maputi pa yata ang siko nun kaysa sa legs ko. May muscle nga pero bakla sa kaputian, not really my type.

Five years na rin akong single. Nakadalawang boyfriend naman ako. Una nung fourth year high school ako, si Gian, ten months din kami nun but he needed to migrate sa US nung paggraduate namin. Ayaw niya nga sanang magkipag-break but buo yung desisyon ko. Hindi ko trip ang LDR at tsaka hindi rin naman talaga ako in love sa kanya, in like lang. Ultimate crush ko kasi yun nung third year at nung nag fourth year kami at niligawan niya ako ay sinagot ko siya. Grab the oppotunity, syempre.

Yung pangalawa? Nevermind.

"Friends lang kami. Hindi ko type na maging boyfriend ang tao. Sa inyo lang ako kinikilig." Maarteng sagot naman ni Menchu.

"Kami hindi friends at lalo na ayaw ko maging boyfriend." Nakasimangot kong turan.

"Ang harsh! Sige una na ako at may gagawin pa ako, ma'am Zareen." natatawa nitong tudyo sa akin.

"Loka-loka!" Natatawa kong sigaw. Alam kasi niya na ayaw kong mina-ma'am lalo na silang mga kaibigan ko.

__________


"Girl, sabay na tayong mag-lunch." Yaya ni Brenda na nakasilip lang sa maliit na siwang ng pinto.

Hindi kasi nito binuksan ang pinto ng malaki at nanatili lang sa labas na nakatayo.

"Sige, Brend. Wait niyo ko, may isi-save lang." Sagot ko.

"Sige hintayin ka namin sa labas." And she closed the door after.

Hindi ko namalayan na alas-dose na pala. Naging busy kasi ako dahil sa dami ng ginagawa. Mabuti na lang at naisipan akong anyayahan ni Brenda.

Pagkatapos i-save ang documents na naka-open sa computer at ayusin ang mga papel na binabasa ko ay lumabas na ako ng opisina. Naabutan ko naman sina Brenda, Erick at Luis na naghihintay.

"Asan si Bridgette at Menchu?" Tanong ko nang mapansin na wala ang dalawa.

"Si Bridge, sinundo ni Steven at magla-lunch date. Si Menchu naman ay kikitain yung bestfriend niya na parang boyfriend na rin." Sagot ni Erick.

Stay Away (COMPLETED)Where stories live. Discover now