Chapter 12: Confusion

18.4K 280 27
                                    

"Zareen! Zareen! Nasaan ka na? Zareen sumagot ka! Zareen!" Nagising ako dahil sa narinig na sigaw.

Nakatulog ako. Marahil dahil sa tindi ng pagkakapikit ko pati na rin sa pag-iyak ay nakaramdam ako ng pagod.

Teka. May sumisigaw?

"Zareen!" Rinig ko ulit.

Oh my God! May naghanap sa akin, ligtas na ako.

Dahil sa kaalamang 'yun ay pinilit kong gumapang palayo sa malaking bato na sinasandalan ko dahil nga sa hindi ako makalakad. Ramdam na ramdam ko ang pagkirot nito, tingin ko ay namamaga na marahil ngayon ang kanang paa ko.

"Nandito ako! Tulungan mo ako!" Sigaw ko sa abot ng aking makakaya.

"Nasaan ka?!" Sigaw ng taong naghahanap sa akin.

"Nandito, hindi ako makalad! Please, tulungan mo ako!" Sigaw kong sagot.

"Okay, don't move! I'm going to find you!" Sigaw naman nito. Tingin ko ay mas malapit na siya sa kinalalagyan ko dahil mas malakas na ngayon ang boses niya.

Pero wow ha at englisero si kuyang rescuer. Panalangin ko lang ay hindi ito lampayatot dahil sa kalagayan ko ngayon ay kailangan niya talaga akong pasanin.

Hindi naman nagtagal ay may naaninag na akong liwanag na sa tingin ko'y galing sa flashlight nitong dala.

"Nandito ako!" Sigaw ko habang ikinaway-kaway ang aking kaliwang kamay habang ang isa ko naman na kamay ay nakakapit sa isang puno.

Ginawa ko ang lahat para makatayo upang mas madali akong makita. Ramdam ko na nga ang kirot ng kanan kong paa ngunit tinitiis ko lang ito.

Napansin naman ako ng lalaki at nakita ko siyang papalapit sa aking kinaroroonan. Tinakpan ko ng kamay ang aking mata dahil nasilaw ako sa liwanag na dala ng flashlight dahil kanina pa ako namalagi sa dilim.

"Zareen!" Sigaw ulit ng lalaki.

Tumakbo siya papalapit sa akin at bigla akong niyakap na siya namang ikinagulat ko.

Bakit naman kaya nangyayakap 'tong si kuya? Masyadong tsansing ha?

"Thank you, Lord. I'm so fucking worried." Sabi niya.

Shocks! Si Rustin ito, hindi ako pwedeng magkamali, boses at amoy palang alam ko ng sa kanya.

Mas hinigpitan niya naman ang yakap, hindi nalang ako nakapagreklamo sa higpit nito dahil speechless po ang inyong lingkod.

At kung nagulat na ako sa pangyayakap niya sa akin ay mas nakakagulat naman ang sunod niyang ginawa. Hinalik-halikan niya lang naman ang ulo o buhok ko habang may kung anong sinasabi na di ko na maintindihan dahil tila may pyestang nangyayari sa tiyan ko.

"Aray!" Daing ko nang maramdaman ko ulit ang kirot sa aking paa.

Doon lang din naman tumigil sa pangyayakap si Rustin

"What happened?" Concern niyang tanong.

"Masakit ang paa ko. Nahulog kasi ako kanina at napasama ang bagsak kaya ayan, tingin ko namamaga na ito." Sagot ko.

Agad niyang tinuon ang dalang flashlight sa aking paa at dun nga nakita ko ang namamaga kong kanang sakong.

Nakita ko naman siyang napangiwi.

"Fuck! I should have waited for you." Galit na saad nito.

"Huwag mo ng sisihin ang sarili mo. Kasalanan ko naman ang nangyari." Pag-amain ko ng pagkakamali.

Stay Away (COMPLETED)Where stories live. Discover now