Chapter 7: His Plan

20.3K 360 5
                                    

Hindi nalang ako nagsalita pa dahil pagtutulungan lang naman ako nitong mga kasama ko. Mabuti na rin at pinalitan nila yung topic nila.

Habang nakikinig ay nahagip ng paningin ko si Leilith, nakaupo siya sa may harap ng mesa namin mga limang mesa ang layo. Mukhang mga kaibigan niya yung mga kasama niya pero kapansin-pansin dito ang hindi naman pakikinig sa pinag-uusapan. May tinatanaw o mas mainam na sibihin na palihim na pinagmamasdan siya.

Nang sundan ko kung sino yung sinusulyapan niya ay nakita kong si Jerome ito. Patawatawa pa nga itong kausap ng ibang katrabahong lalaki na kasabayan din sa panananghalian.

May gusto kaya si Leilith kay Jerome? Kaya ba kilala niya ako dahil stalker siya ng stalker ko? Ii-stalk ko na rin ba si Leilith para parang lifecycle lang ang drama namin? Hindi naman pwede dahil hindi ako tibo.

Habang abala sa pag-uusap ang mga kasama ko ay ginawa ko ring abala ang sarili ko sa pagmamanman kay Leilith na abala naman sa pasulyap-sulyap kay Jerome na abala sa pakikipagkwentuhan sa mga kasamahan nila na abala rin sa pagtawa sa kung ano man ang pinagkakaaablahan nilang pag-usapan.

Napansin ko na hindi siya naninitig, nagnanakaw lang talaga siya ng tingin tapos kung mababaling yung ulo ni Jerome sa direksyon niya ay bigla naman siyang iiwas. Kahit naman hindi siya kaputian ay alam kong pinamumulahan siya ng mukha. Mukhang masama yata ang tama niya kay Jerome.

Nang makita kong tumayo si Leilith at mukhang nagpaalam na magsi-CR sa kaibigan niya dahil nakita ko ngang patungong CR 'to ay minabuti kong sundan siya dun.

"C.R. muna ako." Paalam ko sa mga kasama ko.

"Sige, hintayin ka namin pero bilisan mo at babalik na tayo sa taas." Si Menchu ang sumagot.

"Oo, bibilisan ko." Agad akong nagtungo sa CR.

Hindi ko alam kong ano ba tong ginagawa ko. Wala akong eksaktong rason kong bakit ko susundan si Leilith pero bahala na kung makapag-usap na kami.

Pagkapasok ko ay wala naman siya sa harap ng sink, siguro ay nasa cubicle pa ito kaya naman ay hinintay ko nalang siyang matapos at naghugas ng kamay bilang arte.

Hindi naman naglaon ay nakita kong bumukas ang isang cubicle at iniluwa siya mula rito. Nagtungo siya sa may sink at naghugas na rin ng kamay.

"Leilith, is that you?" Arte ko na parang nagulat. Best actress ang ate!

"Ikaw po pala 'yan, Ms. Zareen. Buti at nalala mo po ang pangalan ko." Magalang nitong turan.

"Diba sabi ko sa'yo wag mo na akong i-po? Zareen nalang, friends na naman tayo." Nakangiti kong saad.

"Medyo hindi kasi ako sanay. Pero susubukan kong masanay na tawagin kayong Zareen." Nahihiya pa nitong turan.

Masyado namang mahiyain ang isang 'to. Kaya hindi magka-love life with Jerome eh. Nagsalita ang meron, sabi ng walang hiyang inner self ko. Pinaalala pa talaga, ang saklap.

"Masasanay ka rin. Nga pala nakita kita sa cafeteria, kumakain din kasi ako dun kasama ang mga kaibigan ko. Alam mo ba? Alam ko na kung sino ang crush mo." Panunukso ko rito.

Nakabuo ako ng plano na paglapitin sila. Bagay din naman kasi sila, 5'9 kasi yung si Jerome tapos 5'2 naman itong si Leilith kaya kahit mag 4 inches na sapatos pa siya ay babagay pa rin sila sa isa't-isa, di naman gaya ko na kung mag 4 inches na sapatos tapos tatabi ako kay Jerome ay magiging magka-height na kami. Ang sagwa kayo nun.

Medyo malayo nga lang yung kulay nila, sige na hindi na malayo kundi sobrang layo. Ang puti ni Jerome na akala mo baklang lumaklak ng glutathione samantalang medyo luto ang pagka-morena ni Leilith pero di naman negra, kape at gatas lang ang drama nila pero ikanga sa kanta ni Christian Bautista at Sitti na 'opposites do attract'.

Stay Away (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang