Chapter 39: In This Place

18.9K 270 35
                                    

"Welcome back for the second time, Zareen." Nakangiting bati sa akin ni Menchu nang pumasok ako sa opisina.

"Welcome back, Zareen." Nakangiting bati rin ni Bridgette.

Balik trabaho na naman ako sa RGC.

"Salamat, nakakahiya na talagang bumalik, si Rustin kasi mapilit mayado."

Ayaw ko na sanang bumalik sa pagtatrabaho rito kasi sa totoo lang ay nakakahiya na. Ako yung nag-resign eh, pero ito't walang isang salita at bumalik na naman. Ang gusto ni Rustin ay hindi na ako magtrabaho at magpahinga nalang sa bahay dahil nga buntis ako pero ayaw ko naman ng ganun. At isa pa, pinayagan naman ako ng doktor kasi hindi naman maselan ang pagbubuntis ko. Nung sinabi ko sa kanya na mag-aapply ako sa ibang kompanya ay nagalit siya. Paano raw siya makakasiguro na ayos lang ako pati si baby kung malayo siya sa amin. Kaya nung huli ay sinunod ko nalang ang desisyon niyang bumalik sa kompanya nila kaysa naman hindi talaga magtrabaho at sa bahay lang tumunganga.

"Girl, hindi uso sa iyo ang mahiya kaya wag kang maarte diyan." Natatawang saad ni Erick.

"Oo nga. At tsaka mas mainam na rin na bumalik ka, wala pa kayang pumalit pa sa pwesto mo. Wala kasing ibang qualified kaya walang ma-hire." Ani Brenda.

"Wala siguro silang mahanap na ibang dyosa." Sabi ko na siyang ikinatawa nila.

"Yan ang Zareen na kilala namin, mahangin." Natatawang saad naman ni Luis.

Matapos ang maikling kamustahan ay nagsialisan na rin sila sa opisina ko. Maraming trabahong nakatambak dahil na rin sa higit sa isang buwan akong nawala sa trabaho. Kung gaya ng dati na halos hindi ako tumatayo pag ganito karami ang trabaho ay hindi ko na ginagawa. Panakanaka ay tumatayo ako para maglakad at sinasandal ang balikat sa upuan. Hindi rin ako nagdo-double time sa aking kilos. I need to stay away from stress. Masama kasi sa pagbubuntis. Hindi naman siguro ako papagalitan pag mabagal ang kilos ko since anak naman ng may-ari ang ama ng nasa sinapupunan ko. Siya din naman mapilit na balikan ko ang dati kong trabaho.

Ilang minuto bago mag-alas dose ng tanghali nang tinanong ako ni Menchu kung sasabay ako sa kanila sa cafeteria at dahil wala naman kaming naging usapan ni Rustin na kakain sa labas ay sumama na ako sa kanila.

"Yuck! Ano ba yang ginagawa mong sawsawan, Zareen. Nakakain ba yan?" Nandidiring tanong sa akin ni Luis habang nakatingin sa ketchup, suka at pinulbos na paminta na hinahalo ko sa isang bowl.

"Masarap kaya 'to. Nung isang gabi ito yung sawsawan ko sa pritong tilapia. Naka-dalawang kanin ako nun." Nakangiti kong sagot.

Sabay namang napangiwi silang lahat.

Natatawa nalang ako sa reaksyon ng mukha nila. Kahit ako hindi ko lubos maintindihan kung bakit gustung-gusto ko ang lasa nun. Pero anong magagawa ko kung naglalaway talaga ako tuwing iniisip ko yung lasa.

"Wag niyo ng pakialaman 'yang si Zareen. Normal naman 'yan sa buntis." Ani Bridgette.

"Hanggang ngayon talaga ay hindi pa rin ako makapaniwala na buntis ka. Parang ang bilis lahat ng pangyayari. Nung una pinaalis ka sa trabaho, pagbalik mo nalaman namin na mag-jowa pala kayo ni sir Rustin. Tapos ilang buwan na naman ang nakalipas, nag-resign ka at pagbalik mo buntis ka na. Anong susunod diyan? Mawawala ka na naman sa trabaho at pagbalik ay kasal ka na kay sir?" Mahabang turan ni Menchu.

Hindi ko maiwasan ang mapangiti sa sinabi ni Menchu. Tama nga naman siya, tuwing umaalis ako sa trabaho ay may pasabog talaga tuwing pagbalik ko. Pero iba na ngayon, wala na akong balak na umalis ng walang paalam o magandang dahilan. Kung aalis man ako ay dahil yun sa pagbubuntis ko. Hindi ko balak ulitin sa pangatlong pagkakataon ang maging duwag. Hindi nalang ako 'to, may anak na ako. I have to fight for my baby. I have to fight along with Rustin this time. Hindi ko hahayaan na siya lang yung mag-isang lalaban para sa amin ulit. I'll fight for our love this time. At walang makakapigil sa akin.

Stay Away (COMPLETED)Where stories live. Discover now