Chapter 38: Result

18K 235 3
                                    

"Fvck! Fvck this life!" Mas lumakas ang buhos ng luha ni Rustin. Kasabay ng mga malulutong niyang mura ay ang pagsabunot ng sariling buhok.

Napahagulgol ako habang pinagmamasdan ang reaksyon niya. Gusto ko siyang aluin, gusto kong sabihin na magiging okay lang ang lahat. Pero hindi, hindi ito magiging okay kailanman. Mamamatay na ako at ang mas masakit dun maisasama ko pa ang sanay magiging anak namin.

"S-sorry. I-i'm so sorry.." Saad ko habang nakatakip ang aking dalawang kamay sa mukha.

Sa tingin ko ay kailangan kong humingi ng paumanhin. Hindi ko man sinadya alam kong ako ang dahilan kung bakit siya nakakaramdam ng sakit. Dahil sa akin.

Bakit kasi hindi ko mas pinag-igihan yung paglayo ko sa kanya? I should have stayed away better than I did. Kung sana mas lumayo pa ako, edi sana hindi niya ako minahal. Sana hindi ko siya nasasaktan.

Gumalaw ang kama at naramdaman ko ang pag-upo niya sa gilid nito. Nagulat ako nang bigla niya akong hinapit ng yakap. Dinig ko pa rin ang hikbi niya ng sandaling iyon.

"You don't need to say sorry. It's not your fault." Mahina niyang bulong sa may tenga ko.

Naramdaman ko ang pagbasa ng kaliwa kong balikat dahil sa luha niya. Sinunod ko ang gusto ng katawan at puso ko nang sagutin ko rin siya ng mahigpit na yapos. At mas humigpit pa ang yakap niya sa akin ng gawin ko iyon.

"Kasalanan ko. Dapat hindi ko na sinabi sa'yong mahal kita. Sana hindi ka umiiyak ngayon. Sana hindi madadamay ang anak natin." Hagulgol kong saad.

Imbes na gumaan ang pakiramdam ko habang nasa bisig niya ay mas sumakit at mas kumirot pa ang puso ko. Ang sakit! Sobrang sakit na talaga.

"Shhh... don't cry. It's bad for your condition. Don't think about it too much." Alo niya.

Hindi ako umimik at hinayaan ang sariling iiyak lahat ng sakit at lungkot na nararamdaman. Alam kong pati siya ay ganun rin, ramdam ko ang pagkabasa ng kaliwa kong balikat dahil sa luha niya. Mas humigpit ang yakap niya na tila ba sa akin kumukuha ng lakas.

Dahil siguro sa pagod sa kaiiyak ay hindi ko na napansin na nakatulog ako. Nagising ako na madilim na ang labas ng may bintana at nalamang gabi na.

"Kumusta ka na anak?" Bungad na tanong ni mama.

Hindi ko agad napansin na may tao pala sa kwarto maliban sa akin. Nakita ko si mama kasama ni papa at Zach. Agad na lumapit sa kama ko silang tatlo.

"Okay lang po, ma." Sagot ko.

"Nagugutom ka ba?" Umiling ako.

"Tubig?"

Tumango ako bilang sagot. My throat felt so dry. Siguro dahil sa pag-iyak ko ito kanina.

Agad na tumalima si mama sa mesa at nagbuhos ng tubig mula sa pitsel patungong baso. Inabot niya ito sa akin at ininom ko agad. Nakaramdam ako ng kaginhawaan dahil nawala ang aking uhaw.

"Salamat, ma." Saad ko at iniabot sa kanya ang walang lamang baso.

"Anak, ba't di mo sinabi agad sa amin ang kalagayan mo?" Tanong ni papa.

Kanina pa siya mukhang gustong magtanong ngunit hinintay na matapos muna ang pag-inom ko bago ako i-interogate. Hindi naman si papa yung klase ng magulang na istrikto at mahigpit pero kung ito na yung nagagalit ay titiklop ka talaga sa takot. Tahimik lang kasi siya kaya minsan pag nagsalita na ay tila naipon ang lahat ng kanyang gustong sabihin.

"S-sorry, pa. Natakot lang po kasi ako." Nakayuko kong sagot.

"Anak, mga magulang mo kami. Dapat yung mga ganyang bagay ay pinag-uusapan at hindi yung basta-basta ka nalang aalis sa bahay na hindi man lang pinapaalam sa amin yung problema." Ani mama.

Stay Away (COMPLETED)Where stories live. Discover now