Chapter 29: Tita's Action

13K 236 1
                                    

Halu-halong emosyon ang bumalatay sa akin nang marinig ang sinabi ni mama. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot sa kaalamang pinuntahan niya ako rito sa bahay.

"Kausapin mo, anak. Sa tingin ko kailangan niyo mag-usap." Saad ni mama na sa tingin ko ay may ideya na.

Ayaw ko sanang harapin siya ng sandaling yun ngunit hindi nalang ako nag matigas pa dahil si mama na rin mismo ang nagsabi na kausapin ko.

Nakita ko siya na nakaupo sa sofa at may kape sa harap ng lamesita. Narinig niya marahil ang yabag ko ng pababa na ako ng hagdan kaya nag-angat siya ng tingin at doon ay nagtama ang aming mga mata.

Kung noon pag nangyayari 'yon ay lumalakas ang tibok ng puso ko ngunit ngayon ay sakit ang nararamdaman ko. Gusto kong takbuhin ang hagdan para makalapit sa kanya at agad siyang yakapin. Sobra ko siyang na-miss at alam ko na sa klase palang ng titig niya ay ganun rin siya. Pero hindi ako dapat kumilos nang ganun dahil mas pahihirapan ko lang kaming dalawa.

Nang makababa na ako at papalapit na sa kanya ay agad siyang tumayo at sinugod ako ng yakap na hindi ko rin naman ikinabigla.

"I miss you so much, babe." Saad niya habang binibigyan ng mga mumunting halik ang aking ulo.

Pakiramdam ko ay pinipiga ang puso ko sa sakit. Sakit sa kaalaman na ang lalaki na yakap ako ngayon ay hindi ang lalaking makakasama ko habang buhay. Mahal na mahal ko si Rustin at masakit dahil kahit mahal naman namin ang isa't-isa ay hindi kami pwede.

Gusto ko mang suklian din ang yakap niya ay hindi ko ginawa. Bagkus ay ginamit ko ang lahat ng lakas para lang malayo sa kanya.

Kailangan kong tatagan ang loob ko. Kailangan ipakita ko sa kanya na kaya ko. Kailangan niyang maramdaman na okay ako. Dahil yun ang dapat, dapat na naming tanggapin ang lahat.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko. My voice was void of emotion.

Nakita ko kung paano napalitan ng sakit ang magaganda niyang mata. Katulad ko ay nasasaktan din siya.

"Zareen, I promise I'll fix this, okay? Kakausapin ko si papa, sasabihin ko sa kanya na mahal natin ang isa't-isa at kailanman hindi naging mali 'yon. Just please, hold on. I need you, Zareen. I need you to hold on us. Just stay by my side and I'll do all the fighting." Paki-usap niya sa akin.

"Sana ganun lang kadali 'yon. Kung sana kaya ko rin ipaglaban ka sa papa mo pero Rustin, papa mo 'yon at kailangan mong makinig sa kanya. Ayaw ko na balang ay araw pagsisihan mo na mas pinili mo ako kaysa magulang mo. Siguro nga hindi tayo para sa isa't-isa." Saad ko.

"Mahal mo ba ako?" Tanong niya.

Hindi ko maintindihan kung bakit niya 'yon natanong ngunit sinagot ko pa rin.

"Mahal kita. Alam mo 'yan." I answered truthfuly.

Wala akong balak sabihin na hindi ko siya mahal para lang matanggap niya na wala ng kami. Wala naman akong balak gayahin ang mga bida sa pelikula at libro na kailangan pang pagsinungalingan ang taong mahal nila dahil kailangan nila itong iwan, I had enough drama in my life at ayaw ko ng dagdagan pa.

"So why? Why it is so easy for you to give up? Why it is so easy for you to push me away? Dahil ako Zareen, hindi ko kaya beacause I love you so damn much. Hindi ko kaya na mawala ka sa akin dahil mababaliw ako." Puno ng hinanakit niyang saad.

Iniwas ko ang tingin sa kanya dahil masakit marinig sa kanya ang mga bagay na 'yon. Dahil alam kong tama siya, madali akong sumuko pero alam ko rin na tama ang desisyon ko. Masyado niya akong mahal kaya puso ang ginagamit niya at nakakalimutan niya na ang ibang bagay gaya ng importansya ng pamilya. At ako, hindi ko hahayaan na masira siya nang tuluyan dahil lang sa pag-ibig, dahil lang sa akin, kaya ako ang gagamit ng utak at itutulak siya palayo kahit sobrang sakit nito.

Stay Away (COMPLETED)Where stories live. Discover now