Chapter 33: It's The End

15.3K 192 8
                                    

Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha habang pinagmamasdan ang matiwasay na pagtulog ni Rustin. Kagabi ay naibigay ko na sa kanya ang lahat ng meron ako at sa totoo lang ay wala maski karampot na pagsisisi akong naramdaman. Masaya ako sa nangyari, masaya akong binigay ang sarili ko sa kanya dahil sobra ko siyang mahal at kung may bagay man akong pwedeng ibigay sa kanya bago ko lisanin ang mundo ay handa akong ibigay ng walang pag-aalinlangan.

Nang tinignan ko ang orasan sa kanyang kwarto ay nakita kong alas-singko na ng umaga. Unti-unti kong inalis ang mga braso niyang nakadagan sa akin ngunit bigla siyang gumalaw kaya hindi muna ako kumilos at baka tuluyan siyang magising.

"Zareen... I love you, babe.." Ungol niya habang natutulog at mas yumakap sa akin.

Kahit tumutulo ang luha ko ay hindi ko pa rin nasupil ang munting ngiting kumawala sa aking labi dahil sa kaalamang pati sa pagtulog niya ay ako pa rin ang laman. Ngayon palang ay alam kong labis ko siyang masasaktan sa gagawin kung pag-iwan.

Kung para sa iba ay malas kung matatawag ang buhay ko dahil napaka-ikli lang nito para sa akin ay kailanman hindi ako malas. Napaka-swerte ko dahil minahal niya ako. Maswerte ako dahil minahal ako ng isang Rustin Jeorge Razon at hanggang sa kabilang buhay ay ipagpapasalamat ko ang bagay na yun.

Nang makitang mahimbing na naman ang tulog niya ay inumpisahan ko ng inalis ang braso niyang nakadagan sa akin. Dahan-dahan ang ginawa kong pag-alis sa kanyang kama habang hawak ang kulay abong kumot niya na siyang tanging takip sa hubad kong katawan.

"Ah.." Mahina kong usal nang maramdaman ang hapdi at hirot sa bahagi kong iyon.

Hindi lang naman kasi isang beses may nangyari sa amin kagabi ngunit dalawa. Mga tatlumpong minuto kaming magkayakap noon nang humirit pa siya ng isa na agad ko rin namang pinayagan. Hindi siya makapaniwala dahil nagbabakasakali lang daw siya pero hindi ko na hinayaan na pag-usapan pa namin ang tungkol sa mahapdi ko pang kaselanan at hinila na siya para sa isang halik. Yun na kasi ang huli kaya sinulit ko na.

Hinagilap ko ang mga damit ko na nagkalat sa sahig at pati damit niya ay pinulot ko na rin at maayos na tinupi. Gusto ko sanang mag-shower muna bago umalis pero sa pangambang maabutan niya ako sa paggising ay nagbihis nalang ako.

Matapos magbihis ay binusog ko ang aking mata sa tanawin ng lalaking mahal na mahal ko. Pinagmasdan ko ang kabuohan niya na gusto kong imemorya. Mula sa mabuhukin niyang binti hanggang sa malalapad niyang dibdib at mamasel niyang braso. Hindi nga lang kita ang tiyan niyang namumutok sa abs dahil na rin sa kumot na tumatakip dito. Biglang uminit ang mukha ko nang madako ang mata ko sa bahaging iyon na may takip na kumot ngunit halatang-halata kung gaano ito pinagpala sa sukat.

Mula sa katawan ay pinagmasdan ko rin nang maigi ang gwapo niyang mukha. Pangarap ko na magkaroon ng lalaking anak na magmamana sa kanya, gusto ko kasi ng mini version niya ngunit lahat ng yun ay hanggang sa pangarap nalang. Napahawak ako sa dibdib ko nang makaramdam ako ng sakit habang iniisip ang mga bagay na hindi ko na pwedeng magawa kasama siya.

"Mahal na mahal kita, Rustin. Sana kayanin mo ang pagkawala ko sa buhay mo at humanap ka ng babaeng kaya kang bigyan ng masayang pamilya. Kahit masakit ay pinalalaya na kita. I love you so much, babe." Mahina kong saad habang hinahaplos ang makinis niyang pisngi at sa huling pagkakataon ay dinampian ng mabilis na halik ang kanyang labi.

Bago pa ako tuluyang mahagulgol ay mabilis akong nagtungo sa pinto ng kanyang kwarto at hindi na siya muli pang nilingon hanggang sa tuluyan na akong makalabas at naisarado ito. Nakita ko sa sala ang dala kong bag nang pumunta ako rito at agad itong dinampot. Lumabas na ako sa unit niya bago pa magbago ang aking isip at balikan siya sa kanyang kwarto.

Stay Away (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon