Chapter 24: I'm Selfish

16.5K 269 3
                                    

Dahil lumiban na naman ako ng isang araw ay expected ko na talaga ang naiwang nakatambak na trabaho. Mabuti nalang talaga at tinapos ko nung isang araw ang isa kong report bago umuwi kaya kahit paano ay kaya ko pa rin tapusin ngayong araw lahat ng 'to.

Napakiusapan ko na rin si Roselle na ihatid ang medical certificate ko sa HR department, mahirap ng magka-problema dahil sa AWOL ko.

Nasa gitna ako ng pag-aaral sa ginawang graph ni Bridge nang tumunog ang cellphone ko na nasa mesa. Napangiti naman ako dahil sa nabasa kong mensahe na galing kay Rustin.

[Hi, babe. Busy?]

[Oo, medyo busy ako. Maraming naiwan na trabaho.] Reply ko.

Hindi naman nagtagal at may sagot agad siya.

[Am I disturbing you?] Tanong niya.

[Hindi naman. Ikaw, baka naman busy ka rin diyan at hindi na nagtatrabaho kaka-text. Ayaw ko na maging bad influence na girlfriend ha.]

[I'm quite busy, too. But I have some spare time to text and check if you're okay. And no, you're not a bad influence, babe. In fact, you're my inspiration to do my best because I want you to be proud of me.] Mahaba niyang reply.

Hindi ko naman maiwasan na lumawak ang ngiti dahil sa reply niya. Ako na, ako na talaga ang mahaba ang hair!

Agad akong nag-compose ng reply dun sa text niya pero delete ako nang delete at hindi makapag-isip kung anong magandang sagot dun. Nasa pang-apat na ako sa pag-uulit ng text nang pumasok si Menchu sa opisina ko.

"Anong ngingiti-ngiti mo dyan?" Untag niya na siyang kinagulat ko.

"Ay butiki!!!"

"Model ho at hindi butiki ang nasa harap niyo." Saad niya at dinungaw pa talaga ang hawak kong cellphone.

I-noff ko naman agad ang screen at baka ano pa makita niya.

"Anong kailangan mo, Menchu?" Nakangiti kong tanong.

"Ito yung hinihingi mong report dun sa test marketing na ginawa sa Bacolod." Abot niya sa akin ng isang flash drive.

"Ah, ito ba 'yon. Sige, maraming salamat dito."

Lumabas si Menchu na halata mong nagtataka sa kinikilos ko o mas tamang sabihin sa maganda kong mood at malawak na ngiti. Pero mabuti nalang din at hindi niya naitanong dahil wala ako sa mood magsinungaling ngayon.

Pagkalabas niya ay agad akong bumalik sa paggawa ng reply kay Rustin. Nakita ko ang dalawang bagong mensahe niya na nagtatanong kung bakit ako hindi nagri-reply at kung sobrang busy ko ba raw.

Napangiti na naman ako sa pagka-mainipin niya. Excited lang sa reply?

[Sorry, dumating kasi si Menchu at may pinasang report kaya na-late ng reply.] Una kong sinend at sinundan ko ng bagong mensahe.

[Kikiligin na ba ako?] Biro kong text para dun sa naputol naming topic bago dumating si Menchu.

[Yeah, I think. Para sabay tayong kiligin.]

Magri-reply na sana ako ng may bago na namang text.

[I miss you.]

Ayan na naman siya sa miss na 'yan.

Lumapad na naman ang ngiti ko dahil sa tripleng kilig at ni-replyan na siya na miss ko rin siya. Pagkatapos magpalitan ng ilan pang text messages ay tumigil na rin kami at bumalik sa trabaho. Working time kasi at hindi naman landian time.

Stay Away (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon