Chapter 5: Coffee

21.8K 325 7
                                    

Kaloka ng mga revelations. Paano naman naging fiancée ni SM si MF kung dalawang araw lang naman ang nakalilipas mula ng may nangyari sa CR? Ano yun? Instant moving on ang peg ni ate!?

Nang makalabas na kami ng elevator ay dun ko lang natandaan kung bakit dun sa CR palang ay pamilyar na ito sa akin. Siya pala yung babaeng kahalikan ni SM sa KTV Bar. Kaya mas naguluhan ako kasi Tristan and finger incident happened in between this two event na nakita ko si Sir M at Miss F.

"Hoy Zareen! Anong nangyari sa'yo at bigla kang tumatahimik dyan?" Tanong ni Brenda nang mapansin ang pagkawalang kibo ko.

"Huh!? May sinasabi ka?" Naguguluhan kong tanong. Hindi ko kasi nasabayan kung ano ngayon ang pinag-uusapan nila.

Magmula ng makalabas kami ng elevator ay kung saan-saan na napapadpad ang isip ko. Yung mga possibilities kung bakit may Tristan na, may Rustin pa si Miss F. Pati na rin yung posibilidad na baka magkaibang tao yung nakita ko sa mall at yung fiancée ng boss ko. Pwede naman kasi na magkakambal 'yun.

"Alam mo girl, kanina ko pa napapansin na lutang ka. May pailing-iling ka pa at pahawak-hawak sa ilalalim ng baba mo na parang ang lalim ng iniisip. Hindi kaya may sakit ka?" Mahabang turan ni Menchu tapos ay pinakiramdaman ang noo ko gamit ng likod ng kanyang palad.

"Wala akong sakit, may naalala lang." Palusot ko naman at pinilit na umaktong normal para hindi na sila magtanong.

Gaya ng dati ay nauwi naman sa kwentuhan ang lunch namin. Una ay sa trabaho ang pinag-uusapan pero kalaunan ay napunta ang topic dun sa nangyari sa elevator.

"Sayang noh at ikakasal na pala si sir Rustin." Saad ni Menchu.

"Okay lang naman, bagay naman si sir at yung fiancee niya. Alam mo yun, para silang mga artista, parehong magagandang tao." Sabi naman ni Meryl na nasa harapan ko.

"Tingin ko hindi naman sila in love sa isa't-isa. Sweet sila pero hindi naman sila in love kung titignan." Sabat naman ni Bridgette.

"Char! May love expert pala tayong kasama." Biro naman ni Brenda dito.

"Pero tama naman si Bridge, hindi sila mukhang in love parang in lust lang pwede pa. Diba nga, ganun yung mga mayayaman, pag pasok yung physical appearance sa panlasa nila ay go na nang go!" Sang-ayon naman ni Lucy kay Bridge.

"Sabagay, kalimitan ay nagpapakasal naman yung mga mayayaman hindi dahil sa love kundi dahil sa business. At mukhang mayaman yung fiancée ni sir." Sang-ayon ni Erick.

"Ikaw dyan, Zareen, anong masasabi mo?" Tanong ni Luis habang siniko ako para lang makuha ang aking atensyon.

"Tingin niyo may kambal yung fiancée ni sir?" Tanong ko sa kanila na kinakunot naman ng kanilang mga noo.

"At bakit mo natanong? Na-tomboy ka na ba at may balak kang pumorma kung sakaling may kakambal 'yun." Turan ni Menchu.

"Loka! Hindi no, maraming iiyak na lalaki kung magiging tomboy ako. Sa ganda ko ba namang ito hahanap pa ako ng maganda? Nagtatanong lang eh, baka ka ko may kakambal dahil pamilyar." Paliwanag ko.

Ang hirap naman kung mga baliw yung kaibigan mo. Kung anu-ano ang mga pinag-iisip.

"Siguradong iiyak yung si Jerome." Natatawang saad ni Brenda.

"Wag mo ngang isali sa usapan yung tao at baka biglang sumulpot." Inis kong sabi. Kahit kailan ay hindi ko naging paboritong topic ang lalaking 'yun.

"Bakit mo naman natanong kung may kambal siya aber?" Nakataas na kilay na tanong ni Meryl.

Nagdalawang isip naman ako kung ikukwento ko ba sa kanila yung alam ko pero napagdesisyunan kong hindi nalang isali yung censored part dahil babae pa din naman si Miss F at kailangan ng privacy ng sexual life niya kahit sabihin pa na medyo bulgar itong kumilos.

Stay Away (COMPLETED)Where stories live. Discover now