Chapter 15: Positive

19.2K 279 5
                                    

Lunes na lunes ay busangot akong pumasok sa trabaho. Paano ba naman, halos kalahati ng signs na pinagbabasa ko sa internet ay tumpak kung ano yung pinagdadaanan ko.

Ang sama rin ng gising ko dahil kahit gustuhin ko mang matulog kagabi ay di ko magawa. Ipipikit ko nalang ang mata ko ay biglang may scenes na susulpot sa isip ko. Mga eksena na siyang nabasa ko rin na kabilang sa mga signs.

Hindi ko tanda lahat ng mga signs na nasa research ko pero tanda ko yung ilan dito lalo na yung mga natamaan talaga ako.

Ilan sa naaalala ko ay ang mabilis na pagtibok ng puso na para ka raw galing sa pagtakbo pero hindi naman. 'Yung tila aalpas na ang puso mo palabas ng katawan mo dahil sa lakas ng tibok nito. Lagi mo rin daw itong naiisip kahit anong oras, na kahit sa pagtulog mo siya pa rin ang laman ng iyong isipan at siya rin ang laman kahit ng panaginip mo.

May kakaiba ka rin daw na mararamdam sa tiyan na tinatawag nilang butterflies in the stomach, napaisip pa nga ako kung may naka-experience na ba talaga na napasukan ng mga paruparo sa tiyan at inahahalintulad nila ito dito.

At sa lahat ng signs na masasabi kong talagang tinamaan ako ay yung gusto mo raw kasama lagi yung tao at kahit na saan ka lumingon ay nakikita mo siya at naaalala. At tuwing malapit siya na kahit hindi mo maintindihan kung bakit ay gusto mo siyang yakapin nang napakahigpit.

Then, it hit me. I'm doomed.

I'm positve of Rustin Syndrome. Mahal ko na nga siya. Hindi ko alam kung kailan talaga nagsimula o bakit nangyari pero mahal ko na talaga siya.

Kahit kailan ay hindi ko pa naranasan ang ganito sa dalawa kong past relationship. Ni hindi ko masabi kung dinanas ko ba ang heartbreak at pagmo-move-on nung may hiwalayang nangyari.

Kay Rustin ay iba, alam kong wala namang kami pero malaki ang epekto niya sa sistema ko na hindi pa nagawa kahit nino. Nang natanggap ko sa sarili na mahal ko na talaga siya ay hindi ko maiwasan masaktan. Alam ko kasi na imposible na pwedeng maging kami at isipin palang na may binabalak siyang masama sa akin ay napakasakit na.

Wala rin akong karapatan na makaramdam ng ganito pero nagseselos ako. Nagseselos ako sa ideya na may iba siya, na may babaeng nakalaan na para sa kanya. Iniisip ko pa lang na ikakasal na siya ay naiiyak na ako. Bakit kasi kailangan ko pang magmahal ng lalaking hindi naman pwedeng maging akin?

"Ang lalim yata ng iniisip mo?" Sa gitna ng pag-iisip ko ay may kung sino namang istorbo at bigla nalang nagsalita.

"Ay butiki!" Sigaw ko dahil sa gulat.

"Sorry, I startled you." Nakangiti nitong turan.

God! Huwag kang ngumiti diyan, hindi na ako natutuwa sa'yo. Hahalikan kita diyan, makikita mo.

"Good morning, Zareen." Bati niya.

Ang lambing nang pagbanggit niya ng pangalan ko. Masarap marinig pero masakit din,  alam ko naman kasi na masaya lang siya kaya ganun niya akong batiin at hindi dahil masaya siyang nakita ako.

Sabihin ko kaya yung alam ko kay Ms. F para hindi na matuloy kasal nila?

Hoy Zareen! Maghunos-dili ka sa mga pinag-iisip mo! Suway ng isang bahagi ng isip ko.

"Good morning, sir." Walang sigla kong bati.

Hanggang bati lang ako, kahit naman kasi gusto ko siyang kunyapitan at halikan para batiin ay hindi naman pwede dahil hindi kami at malabong mayroong maging kami. Unang beses ko ngang ma-in love, unrequited naman at one-sided pa. Ang saklap lang diba?

"I told you to call me Rustin, remember?" Nakangiti niya pa ring turan.

"Sorry nakalimutan ko." Nagkakabuhul-buhol na ang utak ko. Masama pa yata ang epekto ng pag-ibig sa akin.

Stay Away (COMPLETED)Where stories live. Discover now