Chapter 20: Stop It

17.7K 267 4
                                    

Gusto kong bawiin ang pagkakahawak niya sa akin ng sandaling 'yon pero hindi ko mahagilap ang lakas ng loob at pisikal na lakas para gawin.

Nang makalabas kami ay agad niya akong pinasok sa loob ng kanyang kotse. Hindi ko alam at bakit nakahanda agad ang sasakyan niya sa bungad ng bar pero malamang sa malamang naiplano na niya talaga ang pagtangay sa akin bago pa naman niya ako hinarap.

Pagkatapos akong alalayan papasok ng sasakyan ay nagtungo siya patungong driver seat at hindi nagtagal ay pareho na kaming nasa loob. Awtomatiko namang isinuot ko ang seatbelt at ng natagalan ako sa pagkabit nito dahil umiikot na talaga ang paningin ko ay tinulungan na niya ako.

"Let me." Saad niya at nag-lean palapit sa akin.

Naamoy ko ang mabangong katawan niya nang halos gahibla nalang ang layo ng mukha niya mula sa mukha ko. Pag posible lang tingin ko dumoble ang pagkalasing ko dahil sa tagpong 'yon.

"T-thanks." Mahina kong saad.

Hindi niya ako sinagot at umayos ulit sa pagkakaupo niya sa may manibela. Pinaandar na niya ang sasakyan ng medyo mabilis kaya naman nahilo na naman ako. Buti nalang talaga at hindi naman ako nasusuka dahil nakakahiya kung nagkataon.

"Teka, hindi 'to daan patungong apartment ko." Kinakabahan kong turan nang mapansin na iba ang daan na tinatahak ng sasakyan.

Mali pa yata ang taong pinili ni Charmaine para ipagkatiwala ako. Baka may balak na masama 'tong si Rustin sa pinaka-iingatan kong bagay.

No! I don't want to lose it this way!

"Stop what you are thinking; I won't do anything that could harm you. We need to talk and I don't think my car neither your apartment is the best place to talk to." Sagot niya na nanatili pa rin ang atensyon sa daan.

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa. Iuwi mo nalang ako." Saad ko.

Nakakuha na nga ako ng lakas ng loob para kontrahin siya pero hindi naman nagtunog kontra ang boses ko, kulang na kulang sa conviction.

"Avoiding me will not stop me, Zareen. We need to talk and when I say we need to talk, you'll talk to me whether you like it or not. No matter how many times you try to avoid me, I will still find ways to catch you. And you can't stop me."

Natahimik ako pagkatapos niyang magsalita. Siguro nga kaysa iwasan siya at ang usapin ay mas mabuti na makapag-usap kami tungkol dito. Para once in for all matapos na ang kalokohan niya at lubayan na niya ako nang tuluyan. Siguro naman pag makapag-usap na kami nang masinsinan ay titigilan niya na ako sa wakas.

Nang makaramdam na naman ng pagkahilo ay pinili kong ipikit ang mga mata ko at hintayin nalang na dumating kami sa lugar kung saan niya gusto kaming mag-usap.

Sa estema ko ay labing limang minuto ang byahe bago huminto ang sasakyan. Minulat ko na ang aking mata at nakita siya na pababa na ng kotse. Agad ko ring kinalas ang seatbelt at lumabas na rin, naabutan ko pa siya na papunta na sana sa kanang bahagi ng sasakyan na sa tingin ko ay pagbubuksan pa yata ako.

"I'll just buy something to drink." Saad niya at naglakad na patungong 7/11 na nasa kabilang kalye lang.

Nilibot ko ng tingin ang lugar na pinaghintuan namin. Nakita ko na sa isang park pala kami at walang tao dahil gabi na nga masyado. Nagtungo ako sa isang swing at doon nalang hinintay si Rustin.

Hindi naman nagtagal ay dumating siya, madali lang naman niya akong nakita at agad na naglakad patungo sa kinaroroonan ko.

"Juice or ice coffee? I forgot to ask you what you want." Tanong niya habang hawak ang dalawang inumin sa magkabilaang kamay.

Stay Away (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن